Pagkalunod sa sariling luha.

Jt,

Alam mo nung una palang tayo nagkakilala ikaw na agad yung na isip kong magpaparamdam sa akin ng pagmamahal e, first monthsary naten napapangunahan na ako ng pagsisi at pagka disappoint e pero dahil sa gusto kita tiniis ko lahat at unti unti kong tinatanggap at ang sabi ko sa sarili ko mamahalin din kita ng lubusan basta mahalin mo lang din ako ng walang pag alinlangan. Nakapagsalita pa ako ng "hinihintay ko lang siya bumigay" dahil sa sobrang araw araw gabi gabing nagaaway at nagseselos sa kung kani-kaninong tao, pero naisip ko na mahal ko na sya e ayoko lang dumating na ako na yung tuluyan ng mabaliw at tama ang hinala ko, sa araw araw na pagsasama at gabi gabing paguusap kahit na nagkakaaway mas lalo akong nafall inlove, sya ang dahilan kaya ako nakakapag post ng mga selfie kasi palagi akong goodmood, nagsisimula na din ako mangarap ng mas malaki at mas masaya kasama ka, pinapangarap ko na someday kasama kita sa kahit saang travel or vacation. Dumating yung araw na gustong gusto kita lagi nakikita, nakakasama, nakakayakap at kahalikan,  dumating na din na unti unti kong naipapakita sa ibang tao ang love ko para sayo, sobrang ginaganahan akong pumasok ng school dahil sa ilang sandali makikita at makakasama na kita.
Dumating ang mga problema ng family ko at ikaw yung naging tanging dahilan ko na kayanin yung problema at mahirap man pero unti unti kong tinatama ang mali, tinuturuan mo akong maging matatag kahit na nauunahan ako ng takot at kaduwagan. Umabot na sa pangalawang buwan ng pagsasama at nagagawa ko ng tanggapin ang mga ugaling ayaw ko na meron ka "package deal" ika nga, iniisip ko na ikaw na talaga ang forever ko at wala na akong pakielam sa sasabihin nila.
Kahit nakakapagod ang mga pagaaway tinatanggap ko kasi mahal na mahal kita, may mga oras na nagbabalak akong iwanan ka pero hindi ko matiis na hinde ka pansinin, kausapin, mangulit at makipagkita sayo dahil sobrang adik na ako sayo alam kong hindi nakakabuti iyon pero dun lang ako nakakahanap ng kasiyahan e.
Umabot tayo ng pangatlong buwan na ang pagkakaalam ko ay lahat ay maayos, madalang ka na kasing nagpaparamdam noon pero hindi ko nalang pinapansin kasi busy ka nga sa school mo.
Hindi ko naiisip yung mga problema sa mga araw na kasama kita, ang sarap sa pakiramdam na sana ganon nalang palagi at wala ng katapusan alam kong hindi naman pwede na ganoon, kya nga sinusulit ko ang mga sandali iyon.
Dumating ang mga araw na nagkakaaway nanaman tayo, nabasa mo ang lumang usapan namen ng kaibigan ko na at ibang iba na sa nararamdaman ko ngayon. Sabi mo sa akin hindi ka naman natinag doon pero ang totoo malaki ang eprekto non sa relasyon naten, unti unti kang nanlalamig sa akin siguro dahil nga din sa busy sa school work at sa kanya kanyang family problem.
Gusto ko lang naman na malaman mo na nandito ako handang tumulong sa mga problema mo at sana wag solohin pero matigas ka at pilit mo akong nilalayo sayo, may mga post ka sa twitter na "biggest mistake i ever did #givingup" sobra akong nasaktan dun pero ayoko na lang isipin kasi gusto ko tayo magkaayos at excited pa naman ako sa pagdodorm ko sa likod ng school nyo. Neto g kung saan patapos na ang september bigla nagbago ang lahat, huminto ka sa pagpaparamdam nagtataka ako kung ano ang problema, "sabi nang i want to be alone, LEAVE ME ALONE" natakot ako sa mga sandaling nabasa ko yon at kinakabahan sa mga naiisip ko, sobrang nasaktan ako dahil mas nagustuhan mo pang sabihin sa lahat un at alam kong ako lang naman ang pinatatamaan mo at sana diretsohin nalan ako. Kunilit kita kasi natatakot na ako mawala ka sa akin, pakiramdam kong bumaliktad ang lahat at ako ngayon ang madrama at sobrang maghabol kahit nakakahiya na nagmamakaawa na ako basta lang maging maayos pero buo ang desisyon mo at lubhang mapanakit parang napakadaling tapusin ang lahat lahat. Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa kong mali, kung sana wala akong binitawang ganun salita sana maayos pa ang lahat at sana nasa piling parin kita, kasama kita sa mga problema naten at sabay naten aayosin pero binitawan mo ako at hinayaang lamunin ng sakit at luha, ang sabi mo mahal mo pa ako pero bakit bumitaw ka na, para sa akin mahirap bitawan yung taon mahal ng lubusan, kaya pinaglalaban ko padin kahit pilay na ang isang paa, pero mismong ikaw na ang gustong kumawala at wala na akong magagawa kung din tanggapin at malunod sa sarili luha. Ang hiling ko lang na sana bumalik ka sa akin at ituloy naten ang hamon ng buhay magkasama, magkayakap, magkahalik at nagmamahalan.

I will always love you jt, umaasa padin ako na maayos padin tayo at matutupad ang mga pangarap ng magkasama. Buong puso ko itong sinusulat at nalulunod sa masakit na luha.

Patuloy akong magmamahal jt.
J.co


0 comments:

Post a Comment