Marami akong mamimiss na bagay na nakasanayan ko ng ginagawa, tulad ng mga modes of communication namen ni jt. Yung mga social apps na dinownload ko dahil meron din sya non, yung halos araw araw na video call namen sa skype na, yung halos araw araw na pag snapchat namen, pati sa mga online games kami ang magkasama. Sa lahat ng kalokohan at kulitan sa iba't ibang lugar, yung "seasonal" at "call me maybe", yung makikipagkita kapaguwian o lunchbreak, yung mga magdamagang phonecall na parang wala nang bukas, yung mga arguments at tampuhan na lalo nagpapatibay ng samahan, yung mga pangaasar nya na kinaaasaran ko, yung mga panakaw sandaling magkasama, yung mga mali na ginawa namen tama, yung mga maiinit at mahihigpit nyang yakap, yung maalab at mga pasimple halik, yung mga salitang nakakapanglakas ng loob at sobrang sarap pakinggan.
Goodnight
Sweetdreams
I miss you
I love you
Hindi ko alam kung kaya ko yang ibaon sa limot yung mga bagay na ibinigay sa akin na kay sarap titigan at gamitin at para bang nasa akin parin sya, yung mga gamit na binili na kasama ko sya, sa mga fast food restaurant na madalas namin kainan, sa mga bagay na pareho naming kinagigiliwan, sa mga mag isa kong plano at pangarap na pinili kong isama na sya, sa mga bagong plano at pangarap para sa aming dalawa, kasama ko sya sa birthday na wish ko, maging sa darating na kapaskuhan at sa 3 buwan na naging matampuhin, makulit, mainit, maalab, masarap, maginhawa at sobrang saya. 3 buwan lang pero ang attachment ay wagas. Hindi ko alam kung kaya ko pang gawin yung mga bagay na nakasanayan kong gawin ng magisa. Mahal na mahal ko sya sobra, kahit sa sandaling iyon parang lifetime ang katumbas. Masyado akong kumapit at dumikit, masyado akong umasa at nagpakasaya, masyado kong tinanggap ang mga magandang salita nya, masyado ako nagtiwala na hindi mawawala ang bagong nakasanayan sa dalawampu't dalawang pamamalagi. Hindi ko alam kung kakayanin kong magsimula ng panibagong bukas at balikan yung plano at pangarap na magisa na lang. Mahirap na mahirap syang kalimutan, ayoko ko maibaon lahat iyon bagkus mapipiliin ko munang hintayin at umasang may magbabalik ang dating pagmamahalan, siguro ganito talaga ang buhay.
May malakas na minsay humihina at lalo pang lumalakas, may mahina na lumalakas at lalo pang nalulunod sa sobrang kahinaan, may sobrang saya, sobrang lungkot, at sobrang sakit. Hinihiling ko sa Panginoon na sana magbalik ang dati at mabigyan ng isa pang chance na maging maayos ang lahat at maging balance ang school, bahay, pangarap at pagibig.
Goodnight,
Sweetdreams
I miss you so much
I need you
I always love you
Jt.

-pol (j.co)
0 comments:
Post a Comment