Come back to me jt.

I'll set you free 
And when you see what you need to see 
When you find you come back to me 

Take your time i wont go anywhere 
Picture you with me in the night at park
I'll keep your things right where you left them 
I'll be here for you 

Oh and i'll let you go 
I'll set you free 
And when you see what you need to see 
When you find you come back to me 

And i hope you find everything that you need 
I'll be right here waiting to see 
You find you come back to me 

I can't get close if your not there 
I can't get inside if theres no soul to bear 
I can't fix you i can't save you 
Its something you have to do 

So i'll let you go 
I'll set you free 
And when you see what you need to see 
When you find you come back to me 
Come back to me 
So i'll let you go 
I'll set you free 
And when you see what you need to see 
When you find you come back to me 

And i hope you find everything that you need 
I'll be right here waiting to see 
You find you come back to me 

When you find you come back to me Jt ❤❤❤ 10

I can't help myself.

Dear friend,

Napapadalas ang pagsusulat ko, hindi ko dito ko lang kasi nasasabi lahat ng sa loobin ko. Hindi ko ma pigilan sarili ko you know sobrang i can't stop thinking about jt. Nung mga oras na nasa akin pa sya everyday, everynight excited na excited ako sa mga text at tawag nya. Kung hindi nya ako macontact sa phone sa skype or sa fb messenger naman sya mag message. Ito yung sobra kong namimiss pano pa kaya ang bukas at susunod pang mga araw, weeks, months or taon. May mga araw na sobrang inis ko sa kanya at naiisip kong makipaghiwalay na sa kanya hindi ko magawa kasi kinakabig ng dibdib ko ang mga naiisip kong mga bagay na pagsisihan ko bandang huli. Hindi ko kaya gusto ko nandyan lang sya palagi handang umalalay sa akin sa mga oras na malungkot ako. Ibinigay ko na ang totoong love ko para kay jt, pinili ko at sinigurado ko na sya na at walang ng ibang mamahalin pero ngayon na bumitaw sya sa aming relasyon sobrang sakit at hirap isipin kung paano pa ang mga susunod na mga araw.

Nakalimutan ko ang lahat ng advices ko na palagi kong ibinibigay sa mga kaibigan ko. "40/60 lang daoat sa pag mamahal 40% sa mahal mo at 60% sa sarili mo" iyan ang lagi kong bigkas sa kanila pero ako 100% ang naibigay ko parang ikamamatay ko pag tuluyan syang lumayo, yung mga advice ko na wag gawin ang kasalanan (pagpapakamatay) dahil patunay lang na napakahina at masamang tao pero naiisip ko yung mga bagay na yon na hindi naman dapat. Alam mo marami talaga akong gustong gawin kasama sya, mgabalak ko sa nararating na birthday nya, sa susunod pang monthsary at dadating na pasko. Kinalulungkot ko talaga lahat yon at kinasisikip ng dibdib ko sa tuwing maalala ko, hindi ko talaga alam kung kakayanin ko na wala sya, nakasanayan ko na nandyan sya, yung attachment ko kay jt sobrang nakapanghihinayang. Alam kong dapat kong respetuhin desisyon nya pero friend kelangan ko ipaglaban tong pag ibig ko, wala na akong makikitang katulad nya. Hahanap ako ng paraan at gagawa ako ng paraan na magkabalikan kami at maipagpatuloy ang lahat. Paulit ulit kong sinasabi ang mga bagay na ito kasi totoo to sa puso ko at tunay na ang nararamdaman ko.

Sana maipagpatuloy pa at kung hindi naman sana mawala nadin agad ang sakit na nararamdaman ko sa bawat minuto, oras, araw at gabing maalala ko ang masayang sandali naming dalawa, mga gabing pinagsaluhan namen, maga tawanan at kasiyahan na para wala ng bukas. I love you jt.

Love Jco

Kaya ko pa bang kalimutan?

Marami akong mamimiss na bagay na nakasanayan ko ng ginagawa, tulad ng mga modes of communication namen ni jt. Yung mga social apps na dinownload ko dahil meron din sya non, yung halos araw araw na video call namen sa skype na, yung halos araw araw na pag snapchat namen, pati sa mga online games kami ang magkasama. Sa lahat ng kalokohan at kulitan sa iba't ibang lugar, yung "seasonal" at "call me maybe", yung makikipagkita kapaguwian o lunchbreak, yung mga magdamagang phonecall na parang wala nang bukas, yung mga arguments at tampuhan na lalo nagpapatibay ng samahan, yung mga pangaasar nya na kinaaasaran ko, yung mga panakaw sandaling magkasama, yung mga mali na ginawa namen tama, yung mga maiinit at mahihigpit nyang yakap, yung maalab at mga pasimple halik, yung mga salitang nakakapanglakas ng loob at sobrang sarap pakinggan.

Goodnight
Sweetdreams
I miss you
I love you

Hindi ko alam kung kaya ko yang ibaon sa limot yung mga bagay na ibinigay sa akin na kay sarap titigan at gamitin at para bang nasa akin parin sya, yung mga gamit na binili na kasama ko sya, sa mga fast food restaurant na madalas namin kainan, sa mga bagay na pareho naming kinagigiliwan, sa mga mag isa kong plano at pangarap na pinili kong isama na sya, sa mga bagong plano at pangarap para sa aming dalawa, kasama ko sya sa birthday na wish ko, maging sa darating na kapaskuhan at sa 3 buwan na naging matampuhin, makulit, mainit, maalab, masarap, maginhawa at sobrang saya. 3 buwan lang pero ang attachment ay wagas. Hindi ko alam kung kaya ko pang gawin yung mga bagay na nakasanayan kong gawin ng magisa. Mahal na mahal ko sya sobra, kahit sa sandaling iyon parang lifetime ang katumbas. Masyado akong kumapit at dumikit, masyado akong umasa at nagpakasaya, masyado kong tinanggap ang mga magandang salita nya, masyado ako nagtiwala na hindi mawawala ang bagong nakasanayan sa dalawampu't dalawang pamamalagi. Hindi ko alam kung kakayanin kong magsimula ng panibagong bukas at balikan yung plano at pangarap na magisa na lang. Mahirap na mahirap syang kalimutan, ayoko ko maibaon lahat iyon bagkus mapipiliin ko munang hintayin at umasang may magbabalik ang dating pagmamahalan, siguro ganito talaga ang buhay.
May malakas na minsay humihina at lalo pang lumalakas, may mahina na lumalakas at lalo pang nalulunod sa sobrang kahinaan, may sobrang saya, sobrang lungkot, at sobrang sakit.  Hinihiling ko sa Panginoon na sana magbalik ang dati at mabigyan ng isa pang chance na maging maayos ang lahat at maging balance ang school, bahay, pangarap at pagibig.

Goodnight,
Sweetdreams
I miss you so much
I need you
I always love you
Jt.

-pol (j.co)

Pagkalunod sa sariling luha.

Jt,

Alam mo nung una palang tayo nagkakilala ikaw na agad yung na isip kong magpaparamdam sa akin ng pagmamahal e, first monthsary naten napapangunahan na ako ng pagsisi at pagka disappoint e pero dahil sa gusto kita tiniis ko lahat at unti unti kong tinatanggap at ang sabi ko sa sarili ko mamahalin din kita ng lubusan basta mahalin mo lang din ako ng walang pag alinlangan. Nakapagsalita pa ako ng "hinihintay ko lang siya bumigay" dahil sa sobrang araw araw gabi gabing nagaaway at nagseselos sa kung kani-kaninong tao, pero naisip ko na mahal ko na sya e ayoko lang dumating na ako na yung tuluyan ng mabaliw at tama ang hinala ko, sa araw araw na pagsasama at gabi gabing paguusap kahit na nagkakaaway mas lalo akong nafall inlove, sya ang dahilan kaya ako nakakapag post ng mga selfie kasi palagi akong goodmood, nagsisimula na din ako mangarap ng mas malaki at mas masaya kasama ka, pinapangarap ko na someday kasama kita sa kahit saang travel or vacation. Dumating yung araw na gustong gusto kita lagi nakikita, nakakasama, nakakayakap at kahalikan,  dumating na din na unti unti kong naipapakita sa ibang tao ang love ko para sayo, sobrang ginaganahan akong pumasok ng school dahil sa ilang sandali makikita at makakasama na kita.
Dumating ang mga problema ng family ko at ikaw yung naging tanging dahilan ko na kayanin yung problema at mahirap man pero unti unti kong tinatama ang mali, tinuturuan mo akong maging matatag kahit na nauunahan ako ng takot at kaduwagan. Umabot na sa pangalawang buwan ng pagsasama at nagagawa ko ng tanggapin ang mga ugaling ayaw ko na meron ka "package deal" ika nga, iniisip ko na ikaw na talaga ang forever ko at wala na akong pakielam sa sasabihin nila.
Kahit nakakapagod ang mga pagaaway tinatanggap ko kasi mahal na mahal kita, may mga oras na nagbabalak akong iwanan ka pero hindi ko matiis na hinde ka pansinin, kausapin, mangulit at makipagkita sayo dahil sobrang adik na ako sayo alam kong hindi nakakabuti iyon pero dun lang ako nakakahanap ng kasiyahan e.
Umabot tayo ng pangatlong buwan na ang pagkakaalam ko ay lahat ay maayos, madalang ka na kasing nagpaparamdam noon pero hindi ko nalang pinapansin kasi busy ka nga sa school mo.
Hindi ko naiisip yung mga problema sa mga araw na kasama kita, ang sarap sa pakiramdam na sana ganon nalang palagi at wala ng katapusan alam kong hindi naman pwede na ganoon, kya nga sinusulit ko ang mga sandali iyon.
Dumating ang mga araw na nagkakaaway nanaman tayo, nabasa mo ang lumang usapan namen ng kaibigan ko na at ibang iba na sa nararamdaman ko ngayon. Sabi mo sa akin hindi ka naman natinag doon pero ang totoo malaki ang eprekto non sa relasyon naten, unti unti kang nanlalamig sa akin siguro dahil nga din sa busy sa school work at sa kanya kanyang family problem.
Gusto ko lang naman na malaman mo na nandito ako handang tumulong sa mga problema mo at sana wag solohin pero matigas ka at pilit mo akong nilalayo sayo, may mga post ka sa twitter na "biggest mistake i ever did #givingup" sobra akong nasaktan dun pero ayoko na lang isipin kasi gusto ko tayo magkaayos at excited pa naman ako sa pagdodorm ko sa likod ng school nyo. Neto g kung saan patapos na ang september bigla nagbago ang lahat, huminto ka sa pagpaparamdam nagtataka ako kung ano ang problema, "sabi nang i want to be alone, LEAVE ME ALONE" natakot ako sa mga sandaling nabasa ko yon at kinakabahan sa mga naiisip ko, sobrang nasaktan ako dahil mas nagustuhan mo pang sabihin sa lahat un at alam kong ako lang naman ang pinatatamaan mo at sana diretsohin nalan ako. Kunilit kita kasi natatakot na ako mawala ka sa akin, pakiramdam kong bumaliktad ang lahat at ako ngayon ang madrama at sobrang maghabol kahit nakakahiya na nagmamakaawa na ako basta lang maging maayos pero buo ang desisyon mo at lubhang mapanakit parang napakadaling tapusin ang lahat lahat. Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa kong mali, kung sana wala akong binitawang ganun salita sana maayos pa ang lahat at sana nasa piling parin kita, kasama kita sa mga problema naten at sabay naten aayosin pero binitawan mo ako at hinayaang lamunin ng sakit at luha, ang sabi mo mahal mo pa ako pero bakit bumitaw ka na, para sa akin mahirap bitawan yung taon mahal ng lubusan, kaya pinaglalaban ko padin kahit pilay na ang isang paa, pero mismong ikaw na ang gustong kumawala at wala na akong magagawa kung din tanggapin at malunod sa sarili luha. Ang hiling ko lang na sana bumalik ka sa akin at ituloy naten ang hamon ng buhay magkasama, magkayakap, magkahalik at nagmamahalan.

I will always love you jt, umaasa padin ako na maayos padin tayo at matutupad ang mga pangarap ng magkasama. Buong puso ko itong sinusulat at nalulunod sa masakit na luha.

Patuloy akong magmamahal jt.
J.co


another heart break, sobrang sakit.

Dear friend,

Alam mo ba naging masaya ako simula nung June 10, wala na akong naiisip pa na kung anu-ano mang malulungkot na nangyari sa buhay ko.
Napalitan na ng smile and love yung mga kadramahan ko, inaamin ko na nung una talaga maliit lang yung feelings ko for Jt, siguro dahil sa hindi pa kasi kami talaga masyadong nagkakalinlanlan, nakapagsabi pa nga ako sa bestbuddy ko na "hinihintay ko lang syang bumigay" meaning gusto ko na sya yung mawalan ng feelings sa akin para hindi ko sya masaktan ng husto siguro nasabi ko lang din yun kasi palagi kaming nagaaway, puro kadramahan e kasi madrama na nga ako tapos madrama din sya parang naiinis na ako, nasabi ko lam pero i swear to God in Heaven na minahal ko na talaga sya ng lubos. 3 months lang ang tinagal namen ni Jt, pero putang ina, mahal na mahal ko sya nasanay ako na na andyan sya sakin palagi, yung mga promise nya sakin nawala na ang lahat. Sobrang sakit at sobrang hirap, hindi ko matanggap na wala na kami hindi ko kaya. Akala ko sya na talaga yung taong para sa akin pero Diyos bakit naman kung san naka sanayan ko na andyan sya palagi saka naman nawala. Madali lang sabihin na pumapayag akobna makipag hiwalay e pero ang totoo ayoko pa, ang sakit sakit. Karma ko ba to? Hindi ako makakatulog, hindi ako makakakilos ng ganito ang nararamdaman ko, pakiramdam ko nagstop ang mundo ko, bumilis ang oras pero ang mundo ko nakahinto alam kong yung iba dyan sasabihi lang na 3 months lang yan e, hindi naman sa tagal yun e sa closeness namen dalawa, yung tiwalang binigay ko sa kanya, yung love ko na ibunuhos ko ng todo iyon kasi ang hinihimutok ko. Sana dumating ang time na mahalin ulit nya ako tulad ng dati, maghihintay parin ako na bumalik sya tutal sanay naman na ako sa paghihintay ee. Alam mo ang hiling ko lang sana mawala yung sakit na to yung tipong pagkagising ko wala na back to normal na agad. Kung nababasa man nya ito. 

Jt, mahal na mahal kita. Kahit ipagsigawan ko pa sa lahat gagawin ko, yung mga plano naten, yung mga pangarap nating dalawa sana maituloy pa, wala akong pakielam sa mga sasabihin nila. I love you jt, i always do.

-your j.co
--pol

Panakip Butas

Dear friend,

you know what i don't get it why people get mad pag nasabihan silang "panakip butas lang" i know it hurts to know na panakip butas lang pero pano ba nagmo-move on ang isang tao? e diba naghahanap ng may magmamahal, e pano nga gagawin yon e hindi mo naman tinutulungan sarili mo mag move on e.

para sa akin, yang "panakip butas lang" na yan e malaking bagay sa Love industry, y'know why? kasi ung mga taong PBL na yan sila yun gumagawa ng paraan, nagpapakapagod, pumapawi ng sirang heart o butas e. Sila yung karpentero, sila yung nag aayos ng mga sira, sila yung tumatapasa mga butas, sila yung kahit sira na e aayusin at patitibayin pa nya, kaya dapat hindi yan nila-lang e, eto naman si butas dapat tinutulungan din nya ang sarili nya hindi yung sisirain pa nya at bubutasin parin e kung nabubutas at nasisira ka na sa pwestong yun edi umalis ka na sa lugar na un at lumapit ka na sa karpenterong kayang ayusin at patibayin yang sira o butas. Dapat nga matuwa at mabilib pa ang mga tao sa mga PBL ee aba ang hirap kaya ng trabaho nila sa love industry minsan hindi nasusuklian ang tulong nila at sobrang sakit non at kung minsan sila din na PBL e mangangailangan din ng karperntero. Dapat mga PBL galingan nyo sa pag aayos at pagtatapal ng mga sira at butas para matulungan nyong makapagmove on sila papunta sayo, mas makikilala mo sila kesa sa mga crush lang nila. Malaki talaga ang papel ng PBL, kaya wag nyo lang basta bastang sa sabihin na "PBL ako"
hindi nila-lang ang kagaya nyo. Kaya ikaw bro,, move on ka na, iwanan mo na yang drugs na yan, masaya ka nga gago ka naman, e kung may tao naman kayang ibigay yung saya e edi dun ka. 

-Love, Pol