Should I give up?

Dear friend,

Medyo okay na ko hindi na ako sobrang natutulala tulad nung unang gabi at sumunod na araw at gabi ng iwanan ako ni jt. Nalulungkot na lang ako pag ako lang mag isa sa bahay, mag isa kumakain sa school, mag isa gumagala at nagpapatay ng oras. Kasi iniisip ko na lang na baka kelangan lang talaga ni jt ng space kaya ayon im trying my best na hindi na sya kulitin pero may mga oras talagang namimiss ko sya bigla tapos ayun naiitext ko, hindi naman sa pangungulit gusto ko lang ipakita na mahalaga parin sya sakin, iniisip ko na lang na may chance pang bumalik sya sa akin at pagpatuloy ang nasimulan, nag iisip talaga ako ng positive. Kaso alam ko baka mag iba ang lahat at mas lalo akong masaktan, mas lalo ako malunod sa sariling luha, mas lalo akong matulala at madepress. Hindi talaga ako naaawalan ng pag asa, basta bigyan ko lang sya ng time. Ang tanging hiling ko lang sa Dyos na sana bigyan ako ng sign or pahiwatig na jt's still care about me, about us para suyuin ko sya ulit at ipadama ko ang love ko sa kanya at mapagpatuloy ang nasimulan. Kahit text lang or mangamusta lang sya sa akin para alam ko na may reason pa akong ituloy ang laban. Babalik sya sa akin, magiging masaya na ulit ako, matutupad na ang mga plano at pangarap naming dalawa.
Mahal ko talaga si jt at wala ng makakapagpabago nito, titiisin ko ang lahat ng hirap at sakit ng paghihintay para lang makasama ko ulit sya.
Salamat.

-paul (jco)

0 comments:

Post a Comment