My dear friend,
Sa tingin mo ba wala na talaga syang feelings or pagmamahal sa akin? Sa tingin mo ba Hindi naman nya talaga ako minahal at just for fun tang? Ang hirap talaga tanggapin ang lahat.
Wala na akong reason para gamitin ang phone dahil Hindi ito ganoon ka busy tulad dati, wala na akong reason para gumala at maghintay sa mall para lang makipagkita sa kanya.
Hindi lang naman lover ang nawala sa akin, sya din kasi ang best friend ko yung tipong kaya kong aminin sa kanya lahat lahat kasi sobrang comfortable ako sa kanya. Ngayon na wala na sya pakiramdam ko wala ng nakakaintindi sa akin, wala na akong masusumbungan, wala na akong kakampi at wala ng nagmamahal sakin.
Sana napakadali lang talaga ng lahat, yung tipong kahit napakadali kong mahulog sa kanya, sana napakadali ko lang din bumangon at tumayo lang ng mag isa. Totoo nga na mas naapektuhan ang pagiisip at ang emosyon ng taong iniwanan kesa sa taong NANG IWAN. Nasasaktan akong isipin na masaya sya sa kabila ng lahat ng pagdudusa ko. Hindi naman sa dapat ganito din ang pakiramdam nya uh, pero kasi gusto ko malaman at maramdaman na may halaga parin sya sa akin.
May halaga pa ba ako sa kanya? May natitira pa bang pagtingin? O dapat ko na ibaon sa limot ang lahat ng alaala naming dalawa? Hindi kasi nagsisink in lahat ng gawin ko para lang kalimutan na sya
Please God help me po, help me to overcome this pain, help me to overcome these feelings for him (jt), help me to move on and find my own happiness, help me to get over him.
Sya lang ang taong gumawa sa akin neto at sya lang din ang sagot at gamot sa sugat na ito.
I'll wait for you jt, i wont give up loving you, i will always be there for you, i still love you jt.
-pol
0 comments:
Post a Comment