The REAL reason

Dear friend,

I have been so busy lately kasi nasisimula ako gumawa ng mga bagay at plano ng pangsarili lang.
I stalked on his account, Jt's account and then I saw a picture of it with a guy and saying he's in love with him, I know shouldn't act like this but it hurts so bad, really bad. Kasi ang sabi nya kaya sya nakikipaghiwalay because of those reasons. Tapos ngayon he's in love with that guy?! Grabe pala ano? Thats it! Thats the real reason at hindi yung a school at sa family nya, ang sabi nya hindi pa ata sya ready makipagrelasyon! Fuck that! Ang galing gumawa ng storya. Hindi yon makukonsensya kasi masama syang tao. How could he do that to me, Hindi naman ako masamang tao uh? Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para maging mabuting tao sa putang inang mata nila. I certainly didn't do anything to deserve it.

Why is all this happening to me? Why they have to be so cruel to me? Why?

Moving On??

Dear friend,

Ngayo i feel a lot better than before mejo kasi natatanggap ko na ang lahat pero still umasa parin ako na magkakabalikan kami, yes baliw na nga ako e and im proud of it. This is how i fell inlove with someone, loyal, keeper and hindi nagfefade ang love ko unless kung may ibang ginagawa ang lover ko na sobrang ikakagalit ko pero hindi din kasi minsan kahit nasasaktan ako patuloy parin ako nag mamahal siguro adik lang ako sa sakit at pahirap ng puso. Palagi ko parin sya naiisip at namimiss na sana magkasama kami ngayo, magkausap kami at sana magkayakap kaming dalawa parehong masaya. Ganito ako magmahal kahit sinasabi ng iba na tama na tanga na e wala lang sakin basta ganoon ko sya kamahal kahit mag mukhang tanga basta lang ba maappreciate nya lahat ng ginagawa ko at mamahalin din ako ng labis ayos na sa akin. Hindi kasi ako mapiling tao, mahirap na tsaka sa edad kong ito diba? Wala na ako sa stage na puro pasarap nalang, long term na hanap ko hindi lang pala long term, habang buhay na talaga gusto ko.

Anyway  araw araw ako nagsi-sit ups, push ups at jogging para may pagbabago naman sa katawan ko, sana maging maayos ang pagwoworkout ko para naman may naiba diba. Goal ko kasi maging hot santa clause sa christmas hahaha.

Anyway tulog na ako. Night!

Paul

I miss you even more.

My dear friend,

I woke up today with tears in my eyes naalala ko nanaman si jt, hindi nya alam kung gaano ako nahihirapan at nasasaktan araw araw.
Totoo naman na mas nasasaktan at nahihirapan ang mga taong iniiwan kesa sa nangiiwan e. Hindi nya ako maintindihan na sobrang sakit, hindi ko na kinakaya yung sakit araw araw at gabi gabi.
I hope he will understand and feel the pain I've been through since he was gone and left me out of the rain.

Everyday heart aches and its fvcking killing me, I'm dying inside. Gusto ko mag wala at sumigaw on the top of my lungs. Hindi ako mapakali araw at gabi, hindi ba sya nag aalala sa akin? Paano na ako? Paano na yung tayo? Kapag nagiisa ako tapos namimiss ko sya sobrang ang sakit at naiiyak na parang bata. Sweet Jesus Christ kung hindi nyo po kayang ibalik sa akin si Jt, sana alisin nyo nalang ang matinding lungkot at sakit sa puso ko.

Hihintayin ko sya, hihintayin ko ang oras na magbabalik ang lahat, hihintayin ko sya kahit ang sobrang sakit at sobrang hirap, hindi magbabago ang pagtingin ko para sa kanya at pag nangyari yon sisiguraduhin kong mas palalakasin ko ang love ko para sa kanya.

Mahal na mahal parin kita sa kabila ng pahirap at sakit ng ginawa mong pang iiwan, aaminin ko kung babalik ka pa sa akin handa akong patawarin at kalimutang ang mga nangyari ngayon kaya please jt bumalik ka na sa aking piling.

-paul

I will be your man. I promise.

Hello my dear friend,

Sa ngayon ayoko muna mag isip ng ano pa man, ayoko mag lungkot lungkutan. Dadating din ang oras na magkikita kami at masaya. Magbabalik ang muli ang dati ng pagmamahalan, alam ko at naniniwala ako na natitira pang pagmamahal sa akin. Magkikita at magkikita kami at eto ang isang hiling ko sa Diyos na manunumbalik ang lahat sa takdang panahon. Think positive tulad ng palaging sinasabi ng karamihan, kelangan manatili akong healthy at pogi para kay jt.  Iiwasan ko munang gambalain sya at makapagfocus sa pag aaral, maganda ang plano nya para sa sarili nya at sa aming dalawa. Sana lang ay manatili parin na nasa isip nya ang plano namin dalawa. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maipakita ko sa kanya na mahal ko sya at sabay kaming aabutin ang pangarap at mamumuhay ng payapa at masagana.
No more drama popol, no more crying and no more thinking about the break up.
Kung nababasa man ito ni Jt, sana maramdaman mo kung gaan kita ka mahal, kung gaano mo binago ang buhay ko, kung gaano ako ka thankful kay God dahil nakilala kita at kung gaano kita ka mahal. Napatunayan ko sa sarili na "love has no boundaries" and appearance is just for those people who are superficial. Truth is the heart and soul of existence.

I will always be your man, i'll forever be your hero, when all else fails i'll always be there for you and stand by you and i'll will always love you.

-pol

Kahit konti?

My dear friend,

Sa tingin mo ba wala na talaga syang feelings or pagmamahal sa akin? Sa tingin mo ba Hindi naman nya talaga ako minahal at just for fun tang? Ang hirap talaga tanggapin ang lahat.
Wala na akong reason para gamitin ang phone dahil Hindi ito ganoon ka busy tulad dati, wala na akong reason para gumala at maghintay sa mall para lang makipagkita sa kanya.
Hindi lang naman lover ang nawala sa akin, sya din kasi ang best friend ko yung tipong kaya kong aminin sa kanya lahat lahat kasi sobrang comfortable ako sa kanya. Ngayon na wala na sya pakiramdam ko wala ng nakakaintindi sa akin, wala na akong masusumbungan, wala na akong kakampi at wala ng nagmamahal sakin.

Sana napakadali lang talaga ng lahat, yung tipong kahit napakadali kong mahulog sa kanya, sana napakadali ko lang din bumangon at tumayo lang ng mag isa. Totoo nga na mas naapektuhan ang pagiisip at ang emosyon ng taong iniwanan kesa sa taong NANG IWAN. Nasasaktan akong isipin na masaya sya sa kabila ng lahat ng pagdudusa ko. Hindi naman sa dapat ganito din ang pakiramdam nya uh, pero kasi gusto ko malaman at maramdaman na may halaga parin sya sa akin.

May halaga pa ba ako sa kanya? May natitira pa bang pagtingin? O dapat ko na ibaon sa limot ang lahat ng alaala naming dalawa? Hindi kasi nagsisink in lahat ng gawin ko para lang kalimutan na sya

Please God help me po, help me to overcome this pain, help me to overcome these feelings for him (jt), help me to move on and find my own happiness, help me to get over him.

Sya lang ang taong gumawa sa akin neto at sya lang din ang sagot at gamot sa sugat na ito.
I'll wait for you jt, i wont give up loving you, i will always be there for you, i still love you jt.

-pol

Should i let go?

My dear friend,

Eventually i decided to move on na talaga, mahirap pero pipilitin ko na talaga. All of the things na binigay nya sa akin e naka empake na and ready to give it back to him. Tatanggapin ko na ang lahat at iisipin ko nalang ang lahat ng away namen para matulungan ko ang sarili ko na kalimutan sya.  Gagawin ko ang lahat para tuluyan na syang makalimutan ang tangung hiling ko lang sa Diyos at sa kanya sana wag nya naman akong iwasan na parang hindi nagkakilala. Kahit na alam kong makakabuti yon sa aming pareho.

I learned a lot of things from him, he taught me not to give all my love for just one person, he opened my door to any kind of posibilities, i finally learned that love is very powerful biruin mo i crossed the line, he make me feel that i once was so special and worthy of his time, pinaramdam nya ulit sa akin na sobrang sarap mag mahal at mahalin kahit mali ito sa ibang mata ng tao, he taught me very well about how real life is.

Siguro ngayon masasabi kong kaya ko ng sarapin ang bukas ng mag isa at ipagpatuloy ang buhay. Maybe someday mag crossed ang aming landas at sana that time natupad na namin ang kanya kanyang mga pangarap. Mamimiss ko ang lahat lahat at tutuluyan ko ng kakalimutan.

Since you blocked me sa lahat ng social network  na kung saan pwede tayo mag usap, sana nababasa mo ito. Mahal na mahal kita jt more than you'll ever know, thanks for everything your always in my heart and no one can replace you as my JT. I love you and goodbye hope our path will crossed again someday.

- jco Paul

Greatest Dream so far..




Hi,

Nanaginip ako snd oi don't want to forget it kaya naisip kong isulat sa blog ko. Masaya tsaka nakakatuwa ang lahat, may problema man pero nasosolve din agad.

Nagkita, nagkausap at nagkaayos kami ni Jt. Nagsimula ulit kami at pinagpatuloy ang story ng lovelife namin. Kasalukuyang nasa malayong lugar ang parents ni jt tapos ng niyaya nya akong magsleepover sa bahay nila. Dalawa lang kami at masayang masaya, napagdesisyonan naming dalawa na sabihin na sa mga magulang ang relationship  namen. Dumaan ang maraming araw at inamin na namen sa kanya kanyang pamilya ang amin pagmamahalan. Sa una both parents ay hindi makapaniwala at badtrip silang lahat pero nanatilg malakas at matatag kaming dalawa ni jt. Hindi rin nagtagal ay natanggap na ang lahat, lahat ng tungkol sa amin at ang aming love. Nagkayayaan kami na mmagkita kasama ang mga magulang, sina daddy at ang kanyang girlfriend at ang dad amd mom din ni jt. Naging okay ang lahat at inangkin ki ang sandaling iyon para mag propose kay jt sa harapan ng aming mga magulang. Umoo sya at naging masaya ang lahat pero ang tanging hiling ng aming mga magulang ay tapusin muna ang pag aaral at pagkatapos non pwede na kami magsama at parang mga mag asaw na talaga. Natupad ang aming mga pangako, pag asa at pangarap sa buhay, dumating mang ang iba pang hadlang sa amin pero mas tumatag at lumakas ang aming love. We were cuddling on the bed and nagrereminisce ng mga nangyari t tinatawanan ang mga problemang naayos namin.
Tapos bigla akong naging ng mga tears and smile sa mukha. Sobrang natuwa ako, alam kong panaginip lang yon pero nabubuhayan ako sa simple at masayang panaginip nya iyon. Nabubuhayan akong ipaglaban ang pagmamahal ko para kay jt. Kung sumuko na sya ako hindi pa hangga't kaya ko pang ipaglaban gagawin ko, "be a man" sabi nga nila diba, kung mahal ko ipaglaban ko at subukan ulit. Wag matakot sa sasabihin ng iba. I love you jt, sana nababasa mo ito. I just wanted you to know, i'll fight for you always.

-paul

Masakit padin.. 💔

Dear friend,

Hindi ko matulungan ang sarili ko na tigilan na ang pag iisip kay jt, sobrang nasasaktan ako at sobrang nahihirapan. Lalo na ngayon na parang strangers nag kami at niisang txt or rey sa mga message ko wala talaga. Ang sakit sakit na talaga parang hindi ko kakayanin ang susunod pang mga araw at gabi. Mas unti unti akong humihina at nauupos na parang kandila, sana pag gising ko isang umaga burado na sya sa isipan ko at parang wala lang nangyari. Kung pwede lang pagsisihan ko na nakilala ko sya at kung sa pagsisising iyon ay mawawala ang feelings ko para sa kanya, gagawin ko. Diyos ko po bihira lang ako humingi sa inyo, sana naman maayos pa namin ni jt ang lahat o kung wala man pag asang mangyari yon please po pakibura nalang sya sa loob ng utak ko. Hindi lang nya alam kung gaanong damaged ng yari sa akin. Mis na mis ko na ang lahat lahat, yoko na po ng lumuha pa tuwing gabi at mabaliw sa sakit kakaisip sa mga nanyari. Sana magawa ko pang bumangon sa matinding pagkakabagsak, sana magawa kong mapadali ang paglimot sa kanya, sana lang.,.

-pol

Wala na ba talaga..?

Dear friend,

You know what, sobrang naiinis at naninikip ang dibdib ko kapag hindi ako pinapansin ni jt bakit ba ganon sya? Talaga bang wala na talaga sa kanya ang lahat? Tang inang yan! Ayoko magalit sa kanya pero sa ginagawa nya naiinis ako. Akala mo walang pinagsamahan, ako dito nagmumukmok at nahihirapan kaiisip sa kanya tapos sya parang napakadali lang ng lahat para kalimutan lang. Nakakatampo, napapaisip ako na sana hindi nalang talaga ako nahulog sa kanya at ngayon ako yung putang inang gago na hindi makapakali kakaisip sa kanya. Bakit ang sama nya? Natutuwa kaya sya mga ginagawa nya sa akin at hinahabol habol ko sya? Ayoko mapalitan ng galit ang nararamdaman ko sa kanya at pagsisihan yung mga pinagsamahan namen at mga bagay na sinakripisyo ko sa kanya pero talagang matigas ang puso nya. Sana dumating ang araw na tuluyan ko na talagang makalimutan sya at kung sakaling makasalubong ko sya e wala na talaga akong mararamdaman ni isang kusing sa kanya. Ayoko syang isipan ng masama pero sa ginagawa nyang yan ay sobra akong nasasaktan.

Hindi dapat ako nagpakabulag sa pagmamahal kung ganito lang din pala ang mangyayari. Strangers? Yan ba gusto mo jt? Sige pipilitin kong gawin yan para sayo kahit masakit at mahirap kasi ganon kita ka mahal. Siguro tama nga ang mga kaibigan ko na wag kong ipahiya at patuloy pang saktan ang sarili sa pangungulit ko sa kanya.

Siguro nga nakahanap sya ng mas better sa akin kaya ganyan sya ngayon sa akin. Pipilitin ko na talagang kalimutan ang lahat lahat.
-pol

Naiisip kaya din nya ako?

Dear friend,

Ilang gabi na talaga ako hindi makatulog kakaisip sa tone-toneladang thoughts na gumagambala sa utak ko. Talaga ba kayang wala ng pakielam sa akin si jt? Iniisip din kaya nya ako? Malungkot din ba kaya sya kagaya ko? Pinapaasa ko lang ba ang sarili ko? Should I stop na ba and let him go? Hindi ko mapigilan maluha kapag yan ang naiisip ko. Sa kanya lang ako naging ganito. Sa kanya ko lang sinuko ang aking pagkalalaki dahil masaya ako sa piling nya at wala akong pakielam sa sasabihin ng iba. Pero lahat ng paglalakas loob at sakripisyo kong iyon parang wala lang sa kanya at tuluyan ng binabaon sa limot.

Masakit at parang aatakihin ako sa puso kapag nagsisimula ng bumigat yang mga tanong sa aking isispan. Totoo kaya ang mga tanong ko? Naiisip ko natatakot ako sa mga maaring sagot. Naguguluhan ako na baka tama nga na talagang kinakalimutan na nya ako at ang lahat kasi hindi sya nagpaparamdam sa akin, minsan napapansin kong online sya sa facebook pero hindi naman sya nag-a-update ng status sa timeline nya. Oo araw araw akong nagbabaka sakali na makausap sya, tinitext ko sya araw araw at gabi gabi at nangangamusta sa kalagayan nya pero niisang reply e wala.

Nakukulitan na kaya sya sa akin? Na saan kaya sya ngayon? Nasa school kaya sya? Pupuntahan ko ba sya sa bahay nila at para kausapin? Kapah ba ginawa ko iyon handa ba ako sa mga posibleng isasagot at reaksyon na magagawa nya? Baka instead na magkabutihan kami mas lalo pang lumala at magkaroon ng malaking hawaan. Tama bang ipaglaban ko pa ito? O kelangan ko ng isuko kahit hindi ko pa napapatunayan ang pagkalalaki ko. 


Nahahati sa dalawa ang isipan ko, isa na dapat kong ipaglaban kahit mahirap at masakit at jsa naman na dapat ng isuko at tuluyan na maglakad palayo. Naguguluhan ako kasi mahal na mahal ko talaga sya, bihira lang ako magmahal ng lubos at ngayon sa isa pang tulad ko na lalaki. Pinatunayan lang nya sa akin na 'Love has no boundaries' at 'Love has no gender' basta ang alam ko masaya ako sa kanya at sa kanya lang ako naging ganito na sobrang sinasakripisyo ang lahat. Dyos ko mali ba tong ginagawa ko? Mali ba ako? Tulungan sana akong maliwanagan at gumawa ng matibay na desisyon.

Jt and jco


-paul (jco)

"Bumitaw"

Dear friend,

Sa tuwing maalala ko yung gabing naghiwalay kami ni jt sa fort santiago, hindi ko makalimutan yung napagusapan namen ng fartner ko sa fb na nasabi ko ang pinaka pinagsisisihan ko at ngayon pinagbabayaran ko na "hinihintay ko lang na bumigay sya".. Simula ng nabasa yon ni jt, kinabahala ko na ang mga araw na sumunod non. Pinatunayan nya ang mga nasabi ko kaya ngayon bumigay na sya at tuluyan ng bumitaw sa aming relasyon. Isang malaking kagaguhan talaga at bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon. Kung hindi sana nabasa ni jt iyon, kung naibura ko nalang agad iyon, kung sana hindi ko nasabi ang pesteng salitang iyon at sana baka naisalba ko pa ang aming relasyon. Lahat ng ito ay talagang aking kasalanan at lahat ng ito ay ang aking karma. Pagsisihan ko man ang lahat kaso huli na ang lahat, huli na nga ba? Sana maibalik ko ang lahat, sana hanggang ngayon kasama ko parin sya at sana maipagse-celebrate pa namin ang 4th monthsary namin ni jt. Napatunayan ko lang talaga na gago ako at padalos dalos kung magsalita. Kung mabibigyan lamang ako ng Panginoon ng chance na baguhin nya ang isipan ni jt at magsimulang muli kami. Sana lang talaga at para sana ngayon hindi ako ganito kabusy kakasulat sa blog ko, kakaisip ng kung ano ano at nalulugmok sa kalungkutan.
Hindi ko alam ang gagawin ko, i can't stop loving jt. Sya ang sun ng buhay ko at ang dahilan ng pag ikot ng mundo ko. Ang korni ko na talaga.
Pero iyon talaga ang totoo kong nararamdaman. I love you Justin Christopher Sarmenta Tomas.

-Paul (jco)

Desperado o Pinaglalaban?

Dear Friend,

Naiisip ko na naman si Jt dahil malapit na kasi ang dapat sanang 4th monthsary namen naka handa na ang project "i love you jt" banner ko kaso pano ko pa eto maipapakita? Anyway pinagpatuloy ko pa din gawin kasi sayang naman yung materials na nabili ko at may mga na simulan na ako ee, dinagdagan ko nalang din ng word na "still" nun nag hiwalay kami naisip kong dagdagan at ipakita ko sa kanya sa 10 kung magkikita kami at papayag sya na magkita kami.


Sa tingin mo ba nagsasayang nalang ako ng effort dito? Kasi kahit na hiwalay na kami pinagpatuloy ko padin gawin to ee. Desperado na ba matawag to? O pinaglalaban ko lang ang nararamdaman ko sa kanya? Hindi ko maintindihan din kasi bakit pinagpipilitan ko padin ang sarili ko, txt ako ng txt, message padin ng message. Gusto ko lang talaga patunayan sa kanya yung love ko para sa kanya na i would do anything para lang talaga sa kanya. Tingin mo ba maiinis lang sya sa ginagawa at gagawin ko palang? Tingin mo ba na mapapahiya lang ako at pagtatawanan? As of now ayokong isipin na mapapahiya lang ako, gusto ko syang bumalik sa akin gusto kong patunayan ko sa kanya na mahal ko sya at aalagaan hanggang sa makakaya. Ang baduy ng gagawin ko pero wala naman mawawala sa akin kung hindi ko susubukan, pride lang naman ang mawawala sa akin at wala naman akong pakielam sa pride basta para sa taong importante at mahal ko gagawin ko.

Things that keep me alive.







Mahal na mahal kita jt.

Ashes and Wine

Don't know what to do anymore
I've lost the only love worth fighting for
And I'll drown in my tears, don't they see?
And that would show you, that would make you hurt like me


All the same I don't want mudslinging games
It's just a shame to let you walk away


Is there a chance, a fragment of light
At the end of the tunnel, a reason to fight?
Is there a chance you may change your mind
Or are we ashes and wine?


Don't know if our fate's already sealed
This days are spinning circus on a wheel
And I'm ill with the thought of your kiss
Coffee laced intoxicating on her lips


Shut it out, I've got no claim on you now
Not allowed to wear your freedom down, no


Is there a chance, a fragment of light
At the end of the tunnel, a reason to fight?
Is there a chance you may change your mind
Or are we ashes and wine?


And I'll tear myself away
So if its that is what you need, there is nothing left to say but


Is there a chance, a fragment of light
At the end of the tunnel, a reason to fight?
Is there a chance you may change your mind
Or are we ashes and wine?


The day's still ashes and wine
Or are we ashes?

Should I give up?

Dear friend,

Medyo okay na ko hindi na ako sobrang natutulala tulad nung unang gabi at sumunod na araw at gabi ng iwanan ako ni jt. Nalulungkot na lang ako pag ako lang mag isa sa bahay, mag isa kumakain sa school, mag isa gumagala at nagpapatay ng oras. Kasi iniisip ko na lang na baka kelangan lang talaga ni jt ng space kaya ayon im trying my best na hindi na sya kulitin pero may mga oras talagang namimiss ko sya bigla tapos ayun naiitext ko, hindi naman sa pangungulit gusto ko lang ipakita na mahalaga parin sya sakin, iniisip ko na lang na may chance pang bumalik sya sa akin at pagpatuloy ang nasimulan, nag iisip talaga ako ng positive. Kaso alam ko baka mag iba ang lahat at mas lalo akong masaktan, mas lalo ako malunod sa sariling luha, mas lalo akong matulala at madepress. Hindi talaga ako naaawalan ng pag asa, basta bigyan ko lang sya ng time. Ang tanging hiling ko lang sa Dyos na sana bigyan ako ng sign or pahiwatig na jt's still care about me, about us para suyuin ko sya ulit at ipadama ko ang love ko sa kanya at mapagpatuloy ang nasimulan. Kahit text lang or mangamusta lang sya sa akin para alam ko na may reason pa akong ituloy ang laban. Babalik sya sa akin, magiging masaya na ulit ako, matutupad na ang mga plano at pangarap naming dalawa.
Mahal ko talaga si jt at wala ng makakapagpabago nito, titiisin ko ang lahat ng hirap at sakit ng paghihintay para lang makasama ko ulit sya.
Salamat.

-paul (jco)