Gusto ko umamin sa mga kasalanan na nagawa ko. Lahat naman tayo nakakagawa ng kasalanan o nagkakamali diba? tsaka syempre were just humans. Siguro kaya ako ganito ngayon kamalas sa lovelife kasi nagawa ko manakit ng feelings ng ibaTheres a girl, friend of a friend and her name is Maey. Ganito kasi iyon, yung former classmate ko sa dati kong school na nagaaral sa Cavite City may friend na simple girl na sobrang tangkad kasing tangkad ko talaga ee 5'7 and a half lang ata ako basta ganun din ang tangkad nya at hindi mahilig pa mag suot yun ng High Heels. Si former classmate her name is Melanie, matanda na sya mga 25 na ata so ang tawag ko sa kanya e 'Ate Melai' she texted me na she has a good friend named Maey. Maey is only 18 years old tapos ako naman mga 20 na that time so konti lang ang tanda ko kaso nga meron akong gusto na noon pa bago ipakilala saakin ni Ate Melai si Maey. Si Jenny na nga iyon tapos eto ang problema, hindi naman sa pagyayabang o kung ano man.
Nagka-crush na pala sa akin si Maey even though hindi pa kami nagkikita in person at sa Photos pa lang ng Facebook nya ako nakikita. (thanks to facebook)
Until one day napadpad si Ate Melai malapit sa dati kong school at kasama pa nya si Maey. Excited akong makita si Ate Melai, aaminin ko na hindi ako excited na makita si Maey kasi nga i was under in Jenny's spell tapos ayun na nga nagkita na kami, nagpakilala ako at nag usap kami. Si Ate Melai naman tuwang tuwa sa amin kasi nga sa madaling salita nirereto nya si Maey para sa akin. Napagisip-isip ko na siguro hindi naman ata masama gumamit ng tao para makalimutan ko ng tuluyan si Jenny. Kinuha ko personally ang phone number ni Maey at gawin ko nga ang plano at siguro naman iba si Maey kay Jenny at siguro naman eto e mas mahal ako ng husto.
Nov 2011, hindi na talaga nagpaparamdam si Jenny saakin nun at si Maey naman nandyan sa paligid ko at sya ang naging takbuhan ko. Pinilit kong ligawan sa phone si Maey, sa Webcam chat at sa Facebook. Lalo naman nahulog ang loob ni Maey sa akin hanggang sa sinagot nya ako kahit sa phonecall lang dahil nga magkalayo ang tirahan namen. Lahat ng gusto kong sabihin kay Jenny kay Maey ko ginawa, sibubukan kong magfocus kay Maey kasi sya na nga ang girlfriend ko. Mabait si Maey at sweet, nagpagawa pa ng ID lace yun printed ng complete name ko. Sweet diba?
After a month January 2012 ata yun nagreply si Jenny sa isang sa mga Group message ko at nangamusta. Bumalik yung matinding feelings ko kay Jenny at naleft behind si Maey. Akala ko kapag sinabe ko kay Jenny na may girlfriend na ako ee manghihinayang Jenny at iniisip ko na masasaktan sya. (assumero talaga)
Hindi natinag si Jenny at parang natuwa pa sya sa balitang sinabe ko, nagulat ako sa mga sinabi nya sakin kasi akala ko parang magseselos sya at bakit ako yung parang mas nasaktan sa ginawa ko tapos since then hindi na nga nagparamdam ulit si Jenny. Araw araw at gabi gabi tumatawag si Maey sakin kahit may class ako tatawag sya, sobrang maeffort si Maey sa relationship namen habang ako naman si gago iniisip pa din si Jenny. Sa araw-araw na ginagawa yun ni Maey ee nauubusan na kami ng mapaguusapan. Minsan nga habang nagkukwento sya sakin ako naman naglalaro lang ng xbox kasi nga kahit ano nalang kinukuwento nya. Pag naman inaaya ko syang lumabas bawal naman sya kasi 'Strict ang Parents nya' so tingin ko hindi din magtatagal at magsasawa din si Maey sa akin.
Napagisip ko na malaking kasalanan yung ginawa ko, parang tinutulad ko kay Maey yung ginagawa ni Jenny sa akin. Gago talaga ang pwede mong sabihin sakin diba? aminado naman ako na andyan na ang Love at effort pero kahit anong gawin ko wala talaga akong strong feelings for Maey.
Pero ayoko saktan si Maey, ramdam na ramdam ko na gusto nya talaga ako pero kahit ano talaga gawin ko na kay Jenny padin.
Hindi din nagtagal nagdesisyon na akong makipaghiwalay kay Maey kasi sobrang maling mali ang ginawa ko. Tumawag ako at kinausap sya ng matino.
"Maey, pasensya na pero i really need to do this. Look, this relationship isn't gonna work out. Hindi tayo nagkikita kasi pinagbabawalan ka. Kung meron man gusto manligaw sayo at gusto mo din sya sa tingin ko mas doon ka sasaya. I'm not the right guy for you kasi you're way too better than me. Ako ang may problema at hindi ko napapahalagahan yung effort na pag tawag mo araw-araw" (famous breaking up lines ng mga gago)inexplain ko ang lahat lahat at para hindi sya masaktan ng husto. Salamat naman sa mabuting kalooban ni Maey at naintindihan nya naman ako. Tumagal ang relationship namen ng almost 3 months and after a month nabalitaan ko na may agong boyfriend na si Maey so inisip ko na madali syang nakapag move on. Alam mo malaki din pasasalamat ko kay Maey kasi pinaramdam nya sakin na mahal na mahal nya ako hindi tulad ng iba. Oo nasawa ako sa maya't mayang tawag ni Maey sa akin at kapag hindi nasagot ang phone ee nagiisip na agad sya ng masama.Siguro eto yung malaking Karma ko, gumawa ako ng kasalanan at ngayon eto yung price na kelangan kong bayaran.
1 comments:
Siguro nga karma pero sinubukan mo lang naman n kalimutan yung Jenny nayon :)
Post a Comment