Mother is a woman who has raised a child, given birth to a child, and/or supplied the ovum that united with a sperm which grew into a child.
month of May natin sine-celebrate ang Mother's Day since my Mom is in heaven na magshare nalang ako about sa kanya.
Kung buhay pa ang Mommy, ide- dinner date ko talaga sya with candle light pa. lols
Hindi ko man sya nakasama ng matagal ang mommy ko pero para saakin sya ang pinaka maganda, mas sexy pa kay Sam Pinto at Marian Rivera nyo at pinaka matapang na Mommy.
Sa totoo lang hindi ko na maalala yung ilang bondin namen ni Mommy kasi naman po 10 years old palang ako nung mamatay sya sa sakit (Acute Renal Failure/Kidney Failure).
Nakakamiss yung palagi akong sinasama ng Mommy sa mga lakad nya at sa pag uwi uwi nya sa province. Nakakamiss yung boses nya, the smell of her skin and her hair at yung paglalambing nya.
Naalala nung Kindergarten palang ako talagang matyaga sya naghihintay sa labas ng school para pag labas ko ng school ee makikita ko sya, araw araw my Happy Meals ako kay Mommy kaya ang dami dami kong Mcdonalds na toys sumali pa nga kami sa competition nun dati sa Mcdonalds sa Kapasigan na paramihan ng toys na galing sa Mcdo.
Nasanay ako na palagi nasa labas ng school ang Mommy ko kaya nung first day ng school nung Grade 1 ako talagang nagwawala ako at iyak ng iyak nung sinaraduhan ng gate ang mommy ko at nilayo ako sa kanya, I saw her na naiiyak that time kasi syempre nakikita nya yun son nya na umiiyak ee.
Grade 5 na ako nung una na nagpapakita ng symptoms ang sakit ng Mommy, andun yung hirap mag urine at masakit ang tagiliran. Nalaman na Stage 1 na pala yung problem nya sa Kidney, since nun nalaman nya na may sakit sya natatakot na sya magpacheck up sa doctor.
Medyo malala na ang sakit ng mommy, dina- Dialysis na sya, naghirap kami ng husto dahil sa mga gastos sa gamot at Dialysis, meron syang nakakatakot na Tube sa leeg nya na tinatawag na CVC or Central Venous Catheter..
Sobrang creepy kasi naman may tubo tapos sa leeg pa, bata pa ako nun kaya hindi ko pa sobrang naiintidihan yung sakit nya, lagi ko syang sinasabihan na "Mom, drink lots of water para hindi blood yung lalabasa sa tube" natatawa nalang sya tas sinasagot nalang ako ng oo anak kuha mo pala ang mommy. Nung medyo naging okay sya nabalitaan nya na manganganak ng yung Younger sister nya sa Japan and kelangan ng tulong sa pag aalaga ng baby, since my mom is the eldest na babae sa kanilang 7 na magkakapatid gusto ng mom ko na makatulong at syempre makapuntan din ng JAPAN 日本 para din makapagrelax din sya diba at gusto daw nya maexperience yun before she die. Ayaw nga ng daddy na pumunta pa sya dun pero sa kagustuhan ng wife nya na makagala sa Japan at makita si Hello Kitty at makaranas ng Yuki (Snow) at Sakura (Cherry Blossom)
Natuloy ang mommy sa gusto nya na makapunta ng Japan, pero nagulat sya ng aatakihin sya ng sakit nya sa ibang bansa tulad ng nisabi ko takot sya magpacheck up.
Napapilit ng tita ang mommy na magpacheck up at na diagnose na stage 2 na pala yung sakit nya at kelangan na ng i-admit o i-confine sa Hospital ang Mommy dahil sa mabilis na pagkalat tsaka pwede na maapektuhan yung isa pang kidney nya. Pinilit sya ng tita ko na magpahospital sa Japan pero ayaw ng Mommy, gusto na daw nya umuwi at gusto nya daw na makita at makasama muna kami nila Kuyas at Daddy bago sa mawala.
Year 2002 and i was in Grade 6 nagsimulang kumalat na ang sakit at tuluyan ng naapektuhan yung isa pang kidney, lahat ay nagulat sa mga mabilis na ng pangyayari, malakilaki na ang nagagastos sa Hospital at pabalik balik na din sa Hospital ang mommy nung makaraan buwan. Stage 3 na ang infection at kelangan ng mapalitan both kidneys dahil pati ang kanan na kidney e may damage na din. Dahil sa nasanay sa malamig na climate ang mommy dahil sa Japan gusto nya palagi ng malamig ee summer pa nun palaging nagpapabili ng Icecream, saging con hielo, maiz con hielo at kung ano ano pang malalamig na pagkain para maibsan yung init. Maraming kumplikasyon na din ang nanyari naoverdose sya sa gamot dahil sa malala na ang sakit. Alam mo yung dating malusog at chubby nyang iyon napalitan ng sobrang itim at payat at nalalagas pa ang buhok. Nagkanda baon baon na sa utang ang daddy at naisanla na ang mga jewelry ng mommy para may pang tustos ang eldest brother ko sa college at pang dialysis. Sumabay pa ang pagsasarado ng Company na pinagtatarbahuhan ng Dad ko naisanla na ang mga cellphone nila na Nokia 3310. My Mom is in coma for one week ata? and nung nagising sya may napanaginipan sya.
"Umaakyat daw ako sa isang bundok na mataas na mataas. May mga 3 bata na tumatawag sa akin na 'Mama, tara na' at inaabot nila ang kamay ko, nag-aalangan ako kumapit kasi hindi ko sila kilala tapos habang paakyat daw ako may naririnig akong ingay at parang nag uusap tapos ayun nagising na ako."
hindi nya alam na comatose sya, pero sinabe din namen agad at nagulat sya. Simula nun ayaw na nya matulog ng gabi natatakot daw sya baka hindi na sya magising kaya pag gabi na gising ang Dad ko para samahan ang Mom sa pagpupuyat (puyaters ang Mommy haha) pero hindi rin nagtagal e nakakutulog na sya ng maayos sa gabi.
"Umaakyat daw ako sa isang bundok na mataas na mataas. May mga 3 bata na tumatawag sa akin na 'Mama, tara na' at inaabot nila ang kamay ko, nag-aalangan ako kumapit kasi hindi ko sila kilala tapos habang paakyat daw ako may naririnig akong ingay at parang nag uusap tapos ayun nagising na ako."
hindi nya alam na comatose sya, pero sinabe din namen agad at nagulat sya. Simula nun ayaw na nya matulog ng gabi natatakot daw sya baka hindi na sya magising kaya pag gabi na gising ang Dad ko para samahan ang Mom sa pagpupuyat (puyaters ang Mommy haha) pero hindi rin nagtagal e nakakutulog na sya ng maayos sa gabi.
October 15th same year, around 9pm nasa loob ng hospital room with Dad and Lola, may nakalagay ng oxgygen hose sa nose nya at ng bigla akong hindi mapalagay, sobrang kabado at parang may kakaibang mangyayari.. its true iba talaga pakiramdam ko nun. I asked my Dad to call my both kuyas and tita (younger sister ng dad ko) na pumunta sa hospital sabe ko "Dad, tawagan mo nga po sila kuyas at tita papuntahin mo na sila dito sige na"
and my dad said "Ha? ee kakauwi lang nila diba? May school pa bukas ikaw nga dyan absent nanaman"
sagot ko agad "e i don't want to go to school while Mommy is still here tsaka kinakabahan tapos nanginginig ako ee" my hands are all sweaty but really cold as ice and its shaking talaga.
"Ha? bakit? Kumain ka na ba? "
"hindi pa po" sagot ko agad "teka bibili ako food sa canteen what do you want to eat ba?"
"Just call kuya Andrei and Rj" sagot ko na nagagalit na talaga.
"wag mo nga akong takutin! you're mommy will be fine stop thinking about it".
Pansin ko na talagang natatakot din ang dad sa mga gestures ko pero palakad lakad ako sa room tas hindi makapakali. My mom is sleeping quietly and pulse rate nya hindi pa din nagbabago around 50-60bpm and mas mababa sa normal heart beat pulse ng tao.
around 8pm nagslita ang mommy and asking for food "Ma, nagugutom ako, penge pagkain" Mom said pero nakapikit ang mata. my lola rushed to the nurse station and asked a nurse kung pwede sya pakainin,
Nagsalita ang doctor ni mommy "Nay, hindi po sya pwede pakainin ng solid food kasi mahina pa po ang anak nyo"
my lola said "e kanina nyo pa po kasi sinasabe na lalagyan nyo po ng parang tubo sa Nose nya para ilagay yung smoothie na food nya, hindi pa sya kumakain simula Morning"
"Nay, hindi po naten pwede basta gawin yung procedure kasi po mahina pa po yung katawan nya, gagawin po natin agad pag lumakas na po si Mrs. Bella"
Wala nagawa ang lola ko kaya bumalik nalang sa room at pinilit padinsuinubuan ang anak nya ng Soup.
Nangulit ulit ako sa Dad ko tawagan na sila kuya and this time naiiyak na ko sobrang kabado ko sumunod naman ang dad mabilis sya pumunta sa nurse station at nakitawag at tumawag sa bahay na pumunta na sa hospital ASAP.
around 10pm May dad went to the Nurse station and called my kuyas asking where are they na tapos suddenly my lola started to cry na nagulat talaga ako tingnan ko mom's heart rate sa monitor 30-40bpm nalang
Tinawag ko ang dad agad takbo ako sa nurse station.
the nurses and doctors are rushed the room at tulak tulak yung mga hospital apparatus. Nakatayo ako sa harap nila tapang tapangan and restraining my tears to fall while watching my mom 's biggest battle then a nurse came to me and carried me away from the room and said "you're mommy's gonna be okay just have a faith to the doctors, wag mo pansinin iyak ni lola ha" blah blah blah blah hindi ko na sya pinansin kasi pinapanood ko talaga ang mommy, tahimik lang ang mommy parang natutulog lang tapos yung mga doctor pinapump na yung chest nya at may hawak na parang balloon na pipump nila sa mouth ng Mom. I can hear my lola she's crying out loud paulit ulit nya tinatawag ang mommy sa kumpletong panalan
Mom's heart rate drop again down to 20-30bpm hindi ko na din kinaya talagang umiiyak na ako kagaya ng napapanood ko sa mga tv series na namamatayan and this time kitang kita ng dalawa kong tapos yung pakiramdam na ang naririnig ko na lang yung sound ng machine *beep* *beep* *beep* tapos parang everything is in slow motion mode kita ko yung ginagawa nilang pagrerevive sa Mommy ko and si Daddy naka upo at nakasandal sa wall tapos umiiyak. Ngawa ako ng ngawa pinapakalama ako nung magandang nurse.
Tumatakbo paakyat ang mga kuyas bagal mag elevator ee at naririnig na daw nila yung bunganga ko from ground floor kahit na sa 3rd floor ang room ni Mommy (ang lakas ko pala ngumawa lols)
Niyakap ako nila kuya habang tinuturo ko ang Mommy nililinawan ko ang mata para makita ang Mommy sa kanyang huling sandali.
October 16th 12:11 midnight, itinigil na ng doctor yung pagrerevive, pagod na daw ang katawan ni Mrs. Bella sa pakikipaglaban, yung heart rate nya sa monitor nagpa-flat na and the doctor said "We did everything we could"
Naalala ko yung palaging sinasabe nya kay Daddy na "Madali lang pala sabihin na "Sana mamatay nalang ako" pero ang totoo kapag alam mo na sa sarili mo na malubha ka na masasabi mo na "Diyos ko, bigyan nyo pa po ako ng mahabang buhay para sa pamilya ko"
Naalala ko yung palaging sinasabe nya kay Daddy na "Madali lang pala sabihin na "Sana mamatay nalang ako" pero ang totoo kapag alam mo na sa sarili mo na malubha ka na masasabi mo na "Diyos ko, bigyan nyo pa po ako ng mahabang buhay para sa pamilya ko"
Love your Mom, ipakita at iparamdam natin sa kanya yung importansya at love naten sa kanya habang nakikita, naaamoy, nakakausap at nayayakap pa natin sya..
MOTHERS DAY is about SHOWING APPRECIATION, not just spending money. Its also a day of REMEMBRANCE for those who've lost their mothers.
![]() | |

3 comments:
Awwwwwwwww..
namiss ko agad nanay ko, e date ko nga mama ko. this is very inspiring thanks
love it kuya.. langya ka talaga.. lobo nose ko.. :(
Post a Comment