Lalakad na ako palayo.. Bye bye na..

Dear Friend,
Here we go again, endless drama nako naman. Hindi naman bago sakin yun, part na ng lifestyle ko ang sobrang kadramahan at ka-corny-han,Alam mo sobrang nakakapagod at nakakasawa na, nakakapagod na talaga yung ginagawa kong paglalakas ng loob na yayain sya na kumain sa labas, mag coffee at gumala parang mas lalo ko syang makilala at maipakita ko sa kanya na gusto ko talaga sya at hindi ako tulad ng ibang guy dyan pero alam mo nakakasawa na yung pag rerefuse nya sa lahat, yun parang hindi nya ako pinapansin para bang invisible? Tapos mag group message sya na mag aaya ng makakasama para may kasama sya tapos kapag nagrereply ako na pwede ko sya samahan e biglang sasabihin "Uh sorry i can't, i will be meeting my friends na pala ee next time nalang :)" diba nakakagago tapos may smiley pa. Hindi din pala nakakabuti yung payo sa akin yung motto ni Shaun na "If you love someone gawin mo ang lahat para walang regrets sa huli atleast you tried diba" ginawa ko naman yun pero may hangganan din pala. Mali din kasi ako ee alam ko naman na talagang she's pushing me away pero ako naman lapit ng lapit at pinipilit ko pa din ang sarili ko sa kanya kahit na obvious na ayaw na nya talaga. Pero sobrang nasasaktan ako, i tried my hardest not to think of Jenny pero i really can't help myself ee i can't stop loving her. Kahit mahirap at masakit pero gustong gusto ko talaga sya, katulad nung dati kapag malungkot ako ang dami daming oumapasok na malulungkot sa isip ko kaya mas lalo akong nalulungkot at lalo na ako nade-depressed. Ayoko na isa isahin yung mga pumapasok sa isip ko pag mag isa lang ako kasi hahaba nanaman etong post ko at baka tamadin ka basahin e kaya skip nalang tsaka nasabi ko naman na ito sa mga naunang post ko namn na ee. Gusto ko na din talaga kalimutan sya at tulungan ang sarili ko, malapit na ang pasukan sana maiwasan ko na ang pag iisip ko sa kanya at maibang ang attention sa ibang bagay. Katulad ng nasabi ko diba si Jenny kasi achiever sya so talagang nangongolekta sya ng mga achievements at gusto talaga nya ng may ipinagmamalaki ee ano naman ako diba? kung baga hindi ko sya mai-impress sa mga salita salita at pangungulit ko lang. Siguro wala na talagang chance o possibility na magustuhan nya ako. Gusto ko sana iparamdam sa kanya yung masaktan naman at maghabol, gusto ko iparamdam sa kanya kung gaano kahirap at kasakit ang kalagayan ko na ganito, yung tipong hindi din sya makakain o kaya hindi makatulog tapos palaging ang pakiramdam nya ee magisa sya at gusto ko na magsisi sya bandang huli at sabihin na "Sayang, ganito pala pakiramdam sana pansinin nya din ako, sana magustuhan nya din ako" yung mga insecurities nya sa buhay ee bigla bigla nyang maiisip hehe ang Bad ko  pero naisip ko na hindi ko matutulungan na makalimutan sya sa ganoonng way ee, hindi ko man maipa-promise to pero gagawin ko lahat talaga ng best ko na gumawa ng mga achievements hindi dahil para magustuhan nya ako, kung di para sa sarili ko na may maipagmalaki. Magrereply lang ako sa mga text message nya kung kinakailangan at importante pero dun sa mga Group Messages hindi na talaga, tingin ko maBOTE na din to para makalimot, hindi ko kayang burahin ang mobile number nya at sa friends list sa Facebook pero tingin ko makakatulong na din to, siguro i should stop Liking her statuses or kung ano-ano pang post nya sa facebook. Bahala na ang lahat at sana mag umepek at sana makahanap ako ng taong tutulong sakin kalimutan sya, magpapaligaya din sakin at gagawa ng happy moments sa buhay ko hehe. No more tears and no more cry Popol, makakalimutan din naten si Jenny tiwala lang. Hindi na ako malulungkot magisa, lolokohin ko nalang sarili ko na marami akong kaibigan, iisipin ko na kinakausap ko ng family ko about dito lahat gagawin ko para makalimutan ko.
It's time to stop all this feelings, it's time to put out her on my mind all this time, it's time to leave her and all those memories behind, it's time to move forward and don't look back. Kaya ko to basta tiwala lang, malalagpasan ko din to, hindi pwede na manatiling malungkot at negative.

Popol

*Thanks for reading guys, malaking bagay sakin to.
please feel free to leave a comment and advice.. thanks again

Karma ata yan dre!


Gusto ko umamin sa mga kasalanan na nagawa ko. Lahat naman tayo nakakagawa ng kasalanan o nagkakamali diba? tsaka syempre were just humans. Siguro kaya ako ganito ngayon kamalas sa lovelife kasi nagawa ko manakit ng feelings ng ibaTheres a girl, friend of a friend and her name is Maey. Ganito kasi iyon, yung former classmate ko sa dati kong school na nagaaral sa Cavite City  may friend na simple girl na sobrang tangkad kasing tangkad ko talaga ee 5'7 and a half lang ata ako basta ganun din ang tangkad nya at hindi mahilig pa mag suot yun ng High Heels. Si former classmate her name is Melanie, matanda na sya mga 25 na ata so ang tawag ko sa kanya e 'Ate Melai' she texted me na she has a good friend named Maey. Maey is only 18 years old tapos ako naman mga 20 na that time so konti lang ang tanda ko kaso nga meron akong gusto na noon pa bago ipakilala saakin ni Ate Melai si Maey. Si Jenny na nga iyon tapos eto ang problema, hindi naman sa pagyayabang o kung ano man.
Nagka-crush na pala sa akin si Maey even though hindi pa kami nagkikita in person at sa Photos pa lang ng Facebook nya ako nakikita. (thanks to facebook)
Until one day napadpad si Ate Melai malapit sa dati kong school at kasama pa nya si Maey. Excited akong makita si Ate Melai, aaminin ko na hindi ako excited na makita si Maey kasi nga i was under in Jenny's spell tapos ayun na nga nagkita na kami, nagpakilala ako at nag usap kami. Si Ate Melai naman tuwang tuwa sa amin kasi nga sa madaling salita nirereto nya si Maey para sa akin. Napagisip-isip ko na siguro hindi naman ata masama gumamit ng tao para makalimutan ko ng tuluyan si Jenny. Kinuha ko personally ang phone number ni Maey at gawin ko nga ang plano at siguro naman iba si Maey kay Jenny at siguro naman eto e mas mahal ako ng husto.

Nov 2011, hindi na talaga nagpaparamdam si Jenny saakin nun at si Maey naman nandyan sa paligid ko at sya ang naging takbuhan ko. Pinilit kong ligawan sa phone si Maey, sa Webcam chat at sa Facebook. Lalo naman nahulog ang loob ni Maey sa akin hanggang sa sinagot nya ako kahit sa phonecall lang dahil nga magkalayo ang tirahan namen. Lahat ng gusto kong sabihin kay Jenny kay Maey ko ginawa, sibubukan kong magfocus kay Maey kasi sya na nga ang girlfriend ko. Mabait si Maey at sweet, nagpagawa pa ng ID lace yun printed ng complete name ko. Sweet diba?


After a month January 2012 ata yun nagreply si Jenny sa isang sa mga Group message ko at nangamusta. Bumalik yung matinding feelings ko kay Jenny at naleft behind si Maey. Akala ko kapag sinabe ko kay Jenny na may girlfriend na ako ee manghihinayang Jenny at iniisip ko na masasaktan sya. (assumero talaga)
Hindi natinag si Jenny at parang natuwa pa sya sa balitang sinabe ko, nagulat ako sa mga sinabi nya sakin kasi akala ko parang magseselos sya at bakit ako yung parang mas nasaktan sa ginawa ko tapos since then hindi na nga nagparamdam ulit si Jenny. Araw araw at gabi gabi tumatawag si Maey sakin kahit may class ako tatawag sya, sobrang maeffort si Maey sa relationship namen habang ako naman si gago iniisip pa din si Jenny. Sa araw-araw na ginagawa yun ni Maey ee nauubusan na kami ng mapaguusapan. Minsan nga habang nagkukwento sya sakin ako naman naglalaro lang ng xbox kasi nga kahit ano nalang kinukuwento nya. Pag naman inaaya ko syang lumabas bawal naman sya kasi 'Strict ang Parents nya' so tingin ko hindi din magtatagal at magsasawa din si Maey sa akin.

Napagisip ko na malaking kasalanan yung ginawa ko, parang tinutulad ko kay Maey yung ginagawa ni Jenny sa akin. Gago talaga ang pwede mong sabihin sakin diba? aminado naman ako na andyan na ang Love at effort pero kahit anong gawin ko wala talaga akong strong feelings for Maey.
Pero ayoko saktan si Maey, ramdam na ramdam ko na gusto nya talaga ako pero kahit ano talaga gawin ko na kay Jenny padin.


Hindi din nagtagal nagdesisyon na akong makipaghiwalay kay Maey kasi sobrang maling mali ang ginawa ko. Tumawag ako at kinausap sya ng matino.
"Maey, pasensya na pero i really need to do this. Look, this relationship isn't gonna work out. Hindi tayo nagkikita kasi pinagbabawalan ka. Kung meron man gusto manligaw sayo at gusto mo din sya sa tingin ko mas doon ka sasaya. I'm not the right guy for you kasi you're way too better than me. Ako ang may problema at hindi ko napapahalagahan yung effort na pag tawag mo araw-araw" (famous breaking up lines ng mga gago)
 inexplain ko ang lahat lahat at para hindi sya masaktan ng husto. Salamat naman sa mabuting kalooban ni Maey at naintindihan nya naman ako. Tumagal ang relationship namen ng almost 3 months and after a month nabalitaan ko na may agong boyfriend na si Maey so inisip ko na madali syang nakapag move on. Alam mo malaki din pasasalamat ko kay Maey kasi pinaramdam nya sakin na mahal na mahal nya ako hindi tulad ng iba. Oo nasawa ako sa maya't mayang tawag ni Maey sa akin at kapag hindi nasagot ang phone ee nagiisip na agad sya ng masama.Siguro eto yung malaking Karma ko, gumawa ako ng kasalanan at ngayon eto yung price na kelangan kong bayaran.

A Mother's Day Special: Tribute to Mommy Bella.




Mother is a woman who has raised a child, given birth to a child, and/or supplied the ovum that united with a sperm which grew into a child.

month of May natin sine-celebrate ang Mother's Day since my Mom is in heaven na magshare nalang ako about sa kanya.
Kung buhay pa ang Mommy, ide- dinner date ko talaga sya with candle light pa. lols
Hindi ko man sya nakasama ng matagal  ang mommy ko pero para saakin sya ang pinaka maganda, mas sexy pa kay Sam Pinto at Marian Rivera nyo at pinaka matapang na Mommy.

Sa totoo lang hindi ko na maalala yung ilang bondin namen ni Mommy kasi naman po 10 years old palang ako nung mamatay sya sa sakit (Acute Renal Failure/Kidney Failure).
Nakakamiss yung palagi akong sinasama ng Mommy sa mga lakad nya at sa pag uwi uwi nya sa province. Nakakamiss yung boses nya, the smell of her skin and her hair at yung paglalambing nya.
Naalala nung Kindergarten palang ako talagang matyaga sya naghihintay sa labas ng school para pag labas ko ng school ee makikita ko sya, araw araw my Happy Meals ako kay Mommy kaya ang dami dami kong Mcdonalds na toys sumali pa nga kami sa competition nun dati sa Mcdonalds sa Kapasigan na paramihan ng toys na galing sa Mcdo.
Nasanay ako na palagi nasa labas ng school ang Mommy ko kaya nung first day ng school nung Grade 1 ako talagang nagwawala ako at iyak ng iyak nung sinaraduhan ng gate ang mommy ko at nilayo ako sa kanya, I saw her na naiiyak that time kasi syempre nakikita nya yun son nya na umiiyak ee.

Grade 5 na ako nung una na nagpapakita ng symptoms ang sakit ng Mommy, andun yung hirap mag urine at masakit ang tagiliran. Nalaman na Stage 1 na pala yung problem nya sa Kidney, since nun nalaman nya na may sakit sya natatakot na sya magpacheck up sa doctor.

Medyo malala na ang sakit ng mommy, dina- Dialysis na sya, naghirap kami ng husto dahil sa mga gastos sa gamot at Dialysis, meron syang nakakatakot na Tube sa leeg nya na tinatawag na CVC or Central Venous Catheter..
 
Sobrang creepy kasi naman may tubo tapos sa leeg pa, bata pa ako nun kaya hindi ko pa sobrang naiintidihan yung sakit nya, lagi ko syang sinasabihan na "Mom, drink lots of water para hindi blood yung lalabasa sa tube" natatawa nalang sya tas sinasagot nalang ako ng oo anak kuha mo pala ang mommy. Nung medyo naging okay sya nabalitaan nya na manganganak ng yung Younger sister nya sa Japan and kelangan ng tulong sa pag aalaga ng baby, since my mom is the eldest na babae sa kanilang 7 na magkakapatid gusto ng mom ko na makatulong at syempre makapuntan din ng JAPAN 日本 para din makapagrelax din sya diba at gusto daw nya maexperience yun before she die. Ayaw nga ng daddy na pumunta pa sya dun pero sa kagustuhan ng wife nya na makagala sa Japan at makita si Hello Kitty at makaranas ng Yuki (Snow) at Sakura (Cherry Blossom)
Natuloy ang mommy sa gusto nya na makapunta ng Japan, pero nagulat sya ng aatakihin sya ng sakit nya sa ibang bansa tulad ng nisabi ko takot sya magpacheck up.
Napapilit ng tita ang mommy na magpacheck up at na diagnose na stage 2 na pala yung sakit nya at kelangan na ng i-admit o i-confine sa Hospital ang Mommy dahil sa mabilis na pagkalat tsaka pwede na maapektuhan yung isa pang kidney nya. Pinilit sya ng tita ko na magpahospital sa Japan pero ayaw ng Mommy, gusto na daw nya umuwi at gusto nya daw na makita at makasama muna kami  nila Kuyas at Daddy bago sa mawala.

Year 2002 and i was in Grade 6 nagsimulang kumalat na ang sakit at tuluyan ng naapektuhan yung isa pang kidney, lahat ay nagulat sa mga mabilis na ng pangyayari, malakilaki na ang nagagastos sa Hospital at pabalik balik na din sa Hospital ang mommy nung makaraan buwan. Stage 3 na ang infection at kelangan ng mapalitan both kidneys dahil pati ang kanan na kidney e may damage na din. Dahil sa nasanay sa malamig na climate ang mommy dahil sa Japan gusto nya palagi ng malamig ee summer pa nun palaging nagpapabili ng Icecream, saging con hielo, maiz con hielo at kung ano ano pang malalamig na pagkain para maibsan yung init. Maraming kumplikasyon na din ang nanyari naoverdose sya sa gamot dahil sa malala na ang sakit. Alam mo yung dating malusog at chubby nyang iyon napalitan ng sobrang itim at payat at nalalagas pa ang buhok. Nagkanda baon baon na sa utang ang daddy at naisanla na ang mga jewelry ng mommy para may pang tustos ang eldest brother ko sa college at pang dialysis. Sumabay pa ang pagsasarado ng Company na pinagtatarbahuhan ng Dad ko naisanla na ang mga cellphone nila na Nokia 3310. My Mom is in coma for one week ata? and nung nagising sya may napanaginipan sya.

"Umaakyat daw ako sa isang bundok na mataas na mataas. May mga 3 bata na tumatawag sa akin na 'Mama, tara na' at inaabot nila ang kamay ko, nag-aalangan ako kumapit kasi hindi ko sila kilala tapos habang paakyat daw ako may naririnig akong ingay at parang nag uusap tapos ayun nagising na ako."  

hindi nya alam na comatose sya, pero sinabe din namen agad at nagulat sya. Simula nun ayaw na nya matulog ng gabi natatakot daw sya baka hindi na sya magising kaya pag gabi na gising ang Dad ko para samahan ang Mom sa pagpupuyat (puyaters ang Mommy haha) pero hindi rin nagtagal e nakakutulog na sya ng maayos sa gabi.

October 15th same year, around 9pm nasa loob ng hospital room with Dad and Lola, may nakalagay ng oxgygen hose sa nose nya at ng bigla akong hindi mapalagay, sobrang kabado at parang may kakaibang mangyayari.. its true iba talaga pakiramdam ko nun. I asked my Dad to call my both kuyas and tita (younger sister ng dad ko) na pumunta sa hospital sabe ko "Dad, tawagan mo nga po sila kuyas at tita papuntahin mo na sila dito sige na
and my dad said "Ha? ee kakauwi lang nila diba? May school pa bukas ikaw nga dyan absent nanaman"

sagot ko agad "e i don't want to go to school while Mommy is still here tsaka kinakabahan tapos nanginginig ako ee" my hands are all sweaty but really cold as ice and its shaking talaga.
 
"Ha? bakit? Kumain ka na ba? "

"hindi pa po"  sagot ko agad "teka bibili ako food sa canteen what do you want to eat ba?" 

"Just call kuya Andrei and Rj" sagot ko na nagagalit na talaga.

"wag mo nga akong takutin! you're mommy will be fine stop thinking about it".

Pansin ko na talagang natatakot din ang dad sa mga gestures ko pero palakad lakad ako sa room tas hindi makapakali. My mom is sleeping quietly and pulse rate nya hindi pa din nagbabago around 50-60bpm and mas mababa sa normal heart beat pulse ng tao.

around 8pm nagslita ang mommy and asking for food "Ma, nagugutom ako, penge pagkain" Mom said pero nakapikit ang mata. my lola rushed to the nurse station and asked a nurse kung pwede sya pakainin, 

Nagsalita ang doctor ni mommy "Nay, hindi po sya pwede pakainin ng solid food kasi mahina pa po ang anak nyo

my lola said "e kanina nyo pa po kasi sinasabe na lalagyan nyo po ng parang tubo sa Nose nya para ilagay yung smoothie na food nya, hindi pa sya kumakain simula Morning

"Nay,  hindi po naten pwede basta gawin yung procedure kasi po mahina pa po yung katawan nya, gagawin po natin agad pag lumakas na po si Mrs. Bella"

Wala nagawa ang lola ko kaya bumalik nalang sa room at pinilit padinsuinubuan ang anak nya ng Soup.
Nangulit ulit ako sa Dad ko tawagan na sila kuya and this time naiiyak na ko sobrang kabado ko sumunod naman ang dad mabilis sya pumunta sa nurse station at nakitawag at tumawag sa bahay na pumunta na sa hospital ASAP. 

around 10pm May dad went to the Nurse station and called my kuyas asking where are they na tapos suddenly  my lola started to cry na nagulat talaga ako tingnan ko mom's heart rate sa monitor 30-40bpm nalang
Tinawag ko ang dad agad takbo ako sa nurse station.
the nurses and doctors are rushed the room  at tulak tulak yung mga hospital apparatus. Nakatayo ako sa harap nila tapang tapangan and restraining my tears to fall while watching my mom 's biggest battle then a nurse came to me and carried me away from the room and said "you're mommy's gonna be okay just have a faith to the doctors, wag mo pansinin iyak ni lola ha" blah blah blah blah hindi ko na sya pinansin kasi pinapanood ko talaga ang mommy, tahimik lang ang mommy parang natutulog lang tapos yung mga doctor pinapump na yung chest nya at may hawak na parang balloon na pipump nila sa mouth ng Mom. I can hear my lola she's crying out loud paulit ulit nya tinatawag ang mommy sa kumpletong panalan

Mom's heart rate drop again down to 20-30bpm hindi ko na din kinaya talagang umiiyak na ako kagaya ng napapanood ko sa mga tv series  na namamatayan and this time kitang kita ng dalawa kong tapos yung pakiramdam na ang naririnig ko na lang yung sound ng machine *beep* *beep* *beep* tapos parang everything is in slow motion mode kita ko yung ginagawa nilang pagrerevive sa Mommy ko and si Daddy naka upo at nakasandal sa wall tapos umiiyak. Ngawa ako ng ngawa pinapakalama ako nung magandang nurse.
Tumatakbo paakyat ang mga kuyas bagal mag elevator ee at naririnig na daw nila yung bunganga ko from ground floor kahit na sa 3rd floor ang room ni Mommy (ang lakas ko pala ngumawa lols)
Niyakap ako nila kuya habang tinuturo ko ang Mommy nililinawan ko ang mata para makita ang Mommy sa kanyang huling sandali.

October 16th 12:11 midnight, itinigil na ng doctor yung pagrerevive, pagod na daw ang katawan ni Mrs. Bella sa pakikipaglaban, yung heart rate nya sa monitor nagpa-flat na and the doctor said  "We did everything we could"  

Naalala ko yung palaging sinasabe nya kay Daddy na "Madali lang pala sabihin na "Sana mamatay nalang ako" pero ang totoo kapag alam mo na sa sarili mo na malubha ka na masasabi mo na "Diyos ko, bigyan nyo pa po ako ng mahabang buhay para sa pamilya ko"
Love your Mom, ipakita at iparamdam natin sa kanya yung importansya at love naten sa kanya habang nakikita, naaamoy, nakakausap at nayayakap pa natin sya..

MOTHERS DAY is about SHOWING APPRECIATION, not just spending money. Its also a day of REMEMBRANCE for those who've lost their mothers.

HAPPY MOTHER'S DAY Mom
I Love You so much..




Malaking Tanga. Lilipas din yan.




*Note: Yung mga name na nigamit ko ay hindi totoo. Proteksyon na din sa kanila.

Dear Friend,

Alam mo bang hanggang ngayon gusto parin si Jenny, oo as in mahal na mahal ko pa rin sya. Sya yung dahilan ng lungkot lungkutan ko. Ewan ko ba bakit gustong gusto ko sya kahit naman alam ko na IMPOSSIBLE na maging kami. Wait didn't i tell you na hindi naging kami?! Whoa lemme tell you the story.  Si Jenny sya yung girl na nakausap ko sa isang Social Network last August 2011, she asked for my number that night, paano ko makakalimutan yung gabing yon, I have no idea bakit nya tinatanong number ko at biglaan yun. It's weird to say this pero kinilig talaga ako nun at parang ang sarap mambugbog ng tao lols. Edi ayun nga no pagkabigay ko ng number ko agad agad din sya nagtext kaya since then palagi na kami naguusap, hindi talaga ako makapaniwala kasi si Jenny yun e, she's like a-girl-never-date-a-loser-like-me tska parang ang taas taas nya at parang impossible maabot ng tulad ko lang, nagkukulitan na kami sa text kaso tuwing mga 22:00 kami naguusap kasi gabi kasi tarbaho nya e ako e student pa, alam mo yung pakiramdam na kahit maaga ang school bukas magpupuyat talaga ako para lang makausap sya, inaabangan ko ang bawat beep ng phone ko, sobrang nainlove ako, sobrang mahal ko sya. Hindi ko makakalimutan yung mga napagusapan namen, hanggang sa sweet na kami sa text at mabilis talaga akong nainlove sa kanya kakagaling ko lang kasi sa matinding Broken Hearted sa ex-girlfriend kong si Jonalyn, hindi ko na nga naiisip si Jonalyn ng mga oras na iyon kasi nga nan dyan naman si Jenny. Yung mga text nya sakin e nasa utak ko parin hanggang ngayon kahit na 2013 na, tapos kahit puyat papasok ako ng school pero napapansin ng mga classmate ko yung smile ko na parang aabot na sa ears, walang salitang tamlay sakin nun tinatanung nila ako kung ano'ng meron at bakit ako masaya samantala dati lungkut-lungkutan ako dahil sa EX-girlfriend, sinisugurado ko na may load ako para pag nagtext sya e alam na reply agad haha. Hindi ko talaga makakalimutan yung mga text nya na
"Baka naman next month e hindi ka na ganyan sakin"
"I need someone to take care of me"
"My door is always open to any kind of possibilities"
 Lahat yan nakatabi sa phone ko at private kasi ayokong may makabasa o makaalam even my best budds, tumawag pa yun sa akin para sabihin

"Sige na matulog ka na, Goodnight na"

Tanong ko nga sa inyo sino naman hindi matutuwa nun diba? sobrang saya sa pakiramdam sobrang sweet nya. Nagkita kami nun sa isang Mall haha, hindi ko makakalimutan din iyon nakopo nakakahiya ang itsura ko nun super haggard kasi katatapos lang namen mag luto nun pero sa gusto ko sya makita ng kami lang pinuntahan ko sya nahihiya man ako pero gusto ko talaga. Naglakas loob akong aminin sa kanya na tagang gusto ko sya nireplyan nya ako ng :-* so talagang naghahangad ako at nag aasume na din ako na gusto din nya ako, edi naglakas loob uli ako na tanungin sya na kung gusto nya din ba ako she just said
"Lets get to know each others first :P"
So sabi ko sa sarili ko, "Pol kelangan mo lang maging consistent sa kanya ipakita mo na talagang gusto mo sya"
Pero pagkatapos ng masasayang oras na iyon November 2011, she stop texting me hindi na kami nag uusap gaya nung dati, hindi na nasundan yung kitakits namen at sobrang nalungkot nanaman ako. Inaabangan ko pa din yung phone ko na tutunog tulad nung dati. Simula nung hinintay ko na may magtetext sakin at sana sya na ulit yon pero hindi, hindi ko nga alam bakit naging ganun nalang at bigla syang nawala. Simula nun naramdaman ko ulit yung sobrang lungkot na ramdaman ko gaya ng first horrible heart break ko kay Jonalyn alam mo yung parang mag isa ka lang, ang dami kong naiisip na malulungkot na bagay tulad ng pagkamatay ng Mommy ko at pag aaway away ng mga kuya at Daddy ko. Umabot na ng 2012 pero ganun pa din, tinatanong ako ng mga friends ko bakit ang daw ang dadrama ng quotes na pinapasa ko sa kanila, gusto ko man ikwento pero ayoko kasi ayoko lang. Naghihintay pa din ako nun, nagdadasal pa ako sa Dyos na sana mawala na yung feelings ko for her, yung tipong hindi ko na alam yung gagawin ko at nabaliw na kakatanong sa sarili bakit bigla syang nawala ano ang nagawa ko? Kung alam nyo lang kung gaano ako kalungkot at umaasa na magkakausap at magkikita ulit. Binabalikan ko ulit yung mga napag usapan namen, I used to cry myself to sleep at night and pagkagising ko ganun pa din. Graduation ko na at naghihintay ako na babatiin nya ako sa Facebook na kung saan friend ko pa din sya pero wala ni isa, Kinwento ko sa Best Bud ko ang tungkol sa kay Jenny pero sa ibang pangalan para hindi magiba ang tingin nya kay Jenny, pinayuhan ako na kalimutan ko na daw burahin ang number  at tanggalin sya sa Friends list sa Facebook. Nagawa kong burahin ang number nya pero hindi ko magawang tanggalin sya sa FB. Lumipas ang panahon November 2012 nagkita kami ng malapit na kaibigan na si Katrina na kaibigan din ni Jenny at hiniram ko ang cellphone ni Katrina para makitext nakita ko sa inbox ang text ni Jenny na nagpalit na sya ng number, wala akong kamalay malay na nagpalit na pala sya so ibig sabihin wala talaga syang balak ipaalam sakin na iba na pala ang number nya, yung mga oras na yun sobrang nalungkot talaga ako.

Simula non kung anu-ano na talaga na iisip ko, yung pangungulila ko sa Mom ko na kung sana nandito pa sya ee sya siguro makakausap ko, makaka open ko ng kadramahan ko pero maaga syang kinuha sakin, 10 palang ako ee tapos sa mga kokonti at busy kong kaibigan na minsan nga naiisip ko na totoo ba talaga silang kaibigan? kasi nakakaalala lang sila pag may kelangan, ginawa ko naman lahat ng kaya ko para hindi ko sila maturn down ee i was try my best na palagi ko silang kinakausap even though hindi sila sumasagot, kapag nag aya sila na makipagkita gumagawa ako ng paraan na makapunta para hindi sila magtampo, hindi naman sa nanunumbat ako pero kelangan ko kasi sila ee pero wala naman sila,. Dadagdag pa yung mga away sa bahay, between kuyas and dad, mga sumbatan ng mga ginawang tulong damnit! sobrang sawa na ako sa ganyan, mga kalalaking tao pero kung magsumbatan kala mo naman hindi kapamilya ang sinasabihan.  siguro nga masyado akong nagiisip pero hindi ko talaga mapigilan, naisip ko na bakit kaya ayaw ni Jenny sakin? e bakit nya ginawa yung mga ganun pasweet sweet at pakikipaglandian diba? Talaga bang si Jenny lang ang may ayaw sakin? Siguro lahat ata ng tao ayaw sa aakin hindi kasi ako Pogi, matangkad, cool, mapera, matalino, sporty o kung ano ano pang hinahanap at gustong gusto ng mga tao sa isang guy. Naisip ko na siguro kung lahat ng kulang at wala sa akin e meron ako baka marami na nagkakagusto sakin, hindi ako magiisip ng ganito, makukuha ko siguro ang gusto ko dahil nga dominant ako sa ibang guy pero hindi kasi e Nakakainggit yung mga guy na madaming friends, madaming fans at tipong pag pumasok sila sa isang lugar e napapalingon ang mga tao at yung tipong effortless lang ng bagay kasi nasa kanila na lahat. Yung mga insecurities na yon yun pa ang nakakadagdag ng pahirap sa pakiramdam, naiisip ko na if we can love someone so much how will we handle it when the day we have to separate comes? and if being separated is partof our life ee pwede kaya na we can love someone at hindi tayo takot mawala sila diba? possible ba na we can live our entire life na walang mamahalin na tao at all? nakakababa ng personality at self confidence etong mga nakakalokong tanong. Napaka immature diba? siguro kahit siguro ikaw na reader ee maiinis ka na sakin at baka nga mga psychiatrist/psychologist na makakabasa neto sumuko na sa kadramahan ko ee pero ayun talaga ang mga kadramahan ko sa buhay at tingin ko nga masasanay na din ako. Pero gusto ko lang mailabas kahit dito lang kasi parang sasabog ako ee.

 Lumipas ang mga araw at 2013 na pala hindi ko na malayan na almost 2 years na pala akong ganito at na stuck pa rin sa nakaraan, inisip ko na kung sakali na makasalubong ko sya pipilitin kong mag-pretend na walang nangyari at nakalimutan ko na ang lahat. Pero alam mo ganun pa din ako, gustong gusto ko padin sya sabihin nyo ng 'Ang tanga ko' pero ganun ako kung magmahal talaga sa isang tao, inisip ko nga na baka kelangan ko lang mag hanap ng bago para makalimutan ko na sya ng tuluyan so kaya nga kung kanino kanino na ako sumasama na mga kaibigan (daw) sa bagong school ko at may makilalang posibleng magkamali sa akin. well talagang loser ako, siguro i've changed a lot in physical appearance pero ang utak ko bata pa din. Ewan ko ba napaka sensitive ko, gusto ko lang na may makakaappreciate sa akin at kayang tanggapin yung pagiging negative thinker ko, yung tipong kaya nya akong sakyan sa mga kadramhan ko pero tingin ko walang ganung tao at makakagawa nun. Ang gusto ko lang din naman kasi yung makapag usap kami ng masinsinan diba ang dami ko kasing gustong liwanagin at bakit nya naisip na gawin yon at ano ba ang gusto nya manyari at para matapos na ang kahibangan ko. Closure sa madaling salita, well hindi lang ang dating magkarelasyon ang may closure.

Naalala ko yung nag open sakin yung friend ko at may mga nasabi sya na "Pag gusto mo yung isang tao gawin mo lahat ng kaya mo, ipakita mo, lakasan mo ang loob mo at para sa huli kahit hindi mag success e atleast nagtry at hindi ka magsisisi kasi yon ang iniiwasan ko Popol" iyon daw ang motto nya sa buhay pero hindi nya alam ang tungkol dun ehehehe..

Neto lang April 2013 kinamusta ko sya sa fb, nakita ko kasi na Online sya at naglakas talaga ako ng loob na tanungin kung ganun pa din ang number nya at kunwari hindi ko alam na nagpalit na pala sya ng number at salamat naman binigay nya saakin, edi sobrang tuwa naman si utoutong Popol (bopol) napansin ko na parang naulit yung dati pero this time ako naman nagtanong ng number nya pero ganun pa din hindi nya padin ako nirereplyan hanggang isang gabi neto lang din bago matapos ang April nag group message na nasa isang gimikan ako tapos nagulat talaga ako na nagreply sya tapos  naalala ko yung sinabe ng friend ko na lakasan lang ang loob edi ako naman naglakas lakasan talaga niyaya ko makipag kita ahaha unexpected ulit na pumayag sya sa tinagal tagal kong hinintay ang oras na to namagkita kami nayon matutupad na WOOT WOOT! God only knows how happy I am at hindi ko iniisip yung mga nanyare dati kunwari okay lang kahit hindi ee ayoko naman kasi sirain yung mood ko ee masaya nga ako tapos lungkot lungkutan ako. Nag aya sya na magcoffee kami at chill na lang at usap usap. Marami kaya kami napag usapan syempre kamustahan muna ehehe nga pala nagkita kami sa tapat ng isang resto ee may nakaharang na malaking puno na nagdedevide sa amin dalawa tapos talagang pinilit kong dumaan sa gilid ng puno para maka punta sa  pwesto nya hahaha halatang excited gago lang. Natapos ang kwentuhan at umuwi akong masayang masaya, iniisip ko na mas maigi ng ganito na nagkakausap kami para naman mas lalo ko pa syang makilala pero mali pala ako ganun pa din at kahit ngayon naiisip ko padin yung dati at kung alam lang talaga nya kung gaano ako naghihintay at nahirapan akala ko nga tuloy tuloy na yun pero hindi pala, hindi na ako umaasa pero nakakalungkot talaga kung iiisipin ko ulit, kala ko magiging kami na at magiging happy ulit ako, hindi padin pala pero kahit na ganun pa I really, really love her padin, I will wait for her no matter how long it will be.

Hinihiling ko lang na sana marealize na may nasaktan syang gago na katulad ko,
Sana hindi ko nalang talaga sya nakilala,
Sana hindi ko nalang pinagpatuloy makipag flirt at sakyan yung kasweetan nya.
Sana makita ko sya ulit at makausap at magkalakas ng loob na maintanung at mabigyang linaw lahat
Sana mapansin nya naman ako.
At kung hindi naman sya para sa akin
Sana pag gising ko isang araw wala na lahat to para naman matahimik na ako.
Please God take this feelings away from me at para hindi na ako mahirapan at masaktan pa.



Kung nababasa nya to, siguro alam nya kung sino sya at sino yung Jenny
na sinasabi ko, I think its time for her to know how much i love her.

Thanks sa matiyagang pagbabasa.. lols.. ang haba diba?
Naka summarize na nga iyan ee lols.
feel free to post yer negative comments pero pakirespeto nalang. thanks again

The truth about Love by Popol



Love has no boundaries
Love is an incredibly a powerful word
Love is blind
Love is a sexual passion or desire
Love is an intense feeling of deep affection
Love has no gender
Feel a deep romantic or sexual attachment to (someone)

Kahit ano pang meaning ng Love para sa atin basta yang ang pinag uusap natutuwa tayong lahat.

Love is parang Spark.

Oo kasi mismong saakin tumama yung SPARK na sinasabi nila, once na tamaan ka ng spark hindi ka na makaalis dun para kang na Stunned, kahit ayaw mong isipin maiiisip at maiisip mo. Talagang sobrang sarap at saya sa pakiramdam nung sinasabi kong SPARK hahanap hanapin mo sya at kahit na kinabukasan e may school, Go lang basta nageenjoy ka kausap yung taong may spark (hindi putok).
Kung ang iba pagnakabasa ng mga Love Quotes or Love letter  korni at baduy daw, wala tayong magagawa kapag dumating na yun. sige nga pano ba  mainlove ang cool? pano?
e lahat naman nagiging corny at baduy at aminin naten na minsan nakakabaliw pa.

Hindi naten iniisip yung sasabihin ng iba na 'Bakit yang ang gf/bf mo e hindi kayo bagay'
Wala lang saatin kung hindi maganda ang ugali basta mahal natin ang isang tao
Sabi nga sa movie na The Perks of being a Wallflower "We accept the love we think we deserve"
So kahit ano pang paguugali o meron dyan sa taong gusto naten e tanggap natin kung ano at kung sino sya. Kahit bawal pa yan e yung iba nga kabit kabit diba? tapos yung iba gusto nila e kapwa nila babae o lalaki. Totoo kasing malupet ang Love hindi natin yan hanapin kusa syang lumalapit. Malay naten si Best Friend mo pala, si kapit bahay, si kasambahay, si manong driver, si classmate, si co-officemate, si kalaro ng dota, si katext, si lady/manong guard o kung sino sino pa.
Kahit ano pa yan kung Gay-lesbian love payan or yung puppy love daw basta nag eenjoy ka kasama, kausap yung taong gusto nyo love na yan. Yung sinasabi nila na Love is blind medyo totoo kasi hindi na naten napapansin ang mga mali at nabubulag na tayo sa pag-ibig at laging tandaan real love requires no reciprocation

Siguro sa edad kong to, 20 masyadong late na sa karanasang ito pero kakaiba talaga. Simula ng naramdaman ko yun palagi akong masaya, kahit puyat parang energetic padin ako, kahit anong badtrip humarang sakin walang epek a basta sobrang saya. Tapos kapag kausap mo sa text yung taong nagbibigay spark maya't maya ang dampot ng cellphone, palagi akong may load nagbabalak pa ako magpost-paid nun kasi talagang Love is in the air talaga na ayaw mong mawalan ng load, lobat palagi ang battery ng phone ko kaya laging naka-charge kasi exicted ako lagi pagtumutunog ang phone.

Kaso yung spark na din iyon ang magbibigay ng sobrang sakit sa puso at hahantong na sa depression kapag iniwanan ka na o iniiwasan ka na nung taong gusto mo. Makirot sa  dibdib kapag nagiisa at naiisip yung araw, gabi at oras na kausap mo sya, lalo na pag sobrang namimis yung mga oras na yon. Yung dating buhay na buhay ka pupunta sa pupuntahan mo mapapalitan ng lungkot, masaya mapapalitan ng pagkabigo, yung tawa at smile mapapalitan ng iyak, yung masigla mapapalitan ng tulala, yung dating ganadong ganado mapapalitan ng matamlay.
 Masarap mainlove pero masakit din mabroken hearted, kakambal na ito ng Lovelife.
Palaging may ganyan na mararamdaman kapag natuto tayong mainlove at dapat handa din tayo sa sobrang sakit na kakambal ng "in love". Totoo talaga na mahiwaga ang Love at sa mga taong natatakot mainlove, walang nakakatakot don hindi naman si Sadako yon, wag nyong isipin na baka masaktan lang, namnamin nyo yung totoong sarap ng buhay ng naiinlove at paghandaan ang mga pwedeng sakit na ibibigay neto.

Salamat sa Matiyagang mambabasa.. thanks again..